THIRD PERSON POV “Adam, okay lang ba na mag-usap kaming dalawa ng anak natin? Na kami lang sanang dalawa.” Tanong ni Katherine kay Adam. Hindi nakasagot si Adam pero nang ngumiti sa kanya ang anak niya ay pumayag na siya. Lumabas sila kasama si Rachel. Doon lang sila sa garden at natatanaw pa rin nila ang dalawa kahit na hindi nila ito naririnig. They want to make sure na magiging maayos ang pag-uusap ng dalawa. “Okay lang naman ang anak natin diba?” nag-aalala na tanong ni Rachel sa kanyang kasintahan. “She will be fine, malaki ang tiwala ko na maayos ito at matatapos ito agad.” sagot ni Adam sa kanya. Ngumiti naman si Rachel at nagtitiwala na makakaya ito ni Reighn. Iniisip niya na narito lang sila at hindi nila ito pababayaan. Inabala na lang ng dalawa ang kanilang sarili sa pag-u

