RACHEL “K-Kasi….” “Kasi, ate….” “Baby, bakit ka ba umiiyak?” natataranta na tanong ko sa kanya dahil humagulgol na siya. “Ate…” Nataranta na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya wala akong choice kundi tawagan ang daddy niya. “Baby, please. ‘Wag ka ng umiyak. Bakit ka ba umiiyak?” tanong ko sa kanya na para bang iiyak na rin ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba siya papakalmahin o papatahanin. “Kontrabida po ako. Selfish po ako kasi sarili ko lang iniisip ko. Hindi ko iniisip ang daddy ko, hindi kita naisip. Dahil sa akin kaya kayo naghiwalay ni daddy. Hindi ko po alam na habang nagsasabi ako sa ‘yo na ayaw ko sa ‘yo ay nasasaktan kana pala.” umiiyak na sabi niya sa akin. “Baby,” naiyak na ako ngayon. “I’m sorry po, ate. Promise po this time ay hindi na po ako magagali

