RACHEL “Mommy, magbabakasyon po muna kami sa Manila.” paalam sa akin ng kambal. “At bakit? Para magpasaway sa tita Eve niyo? Akala niyo ba hindi ko malalaman ang mga ginagawa niyo doon kapag bakasyon na. Kawawa na ang tita niyo, doon naman kayo sa tito Wilzan niyo.” “Mommy, nilalaro lang namin ang mga pinsan namin. Ang cute kasi nila, pero ayaw namin kay tito sungit. Baka ibalibag kami nun,” sagot pa sa akin ni Adler kaya pinanliitan ko siya ng mga mata ko. Pero parang gusto ko rin tumawa dahil takot pala sila sa tito nila. “Tigilan niyo ako. Hindi maganda na ginagantihan niyo ang mga bata. Huwag niyong gawin na tradisyon ang tungkol sa gantihan na ‘yan. Mga pasaway kayo,” sabi ko sa mga anak ko na parang hindi naman nakikinig. Okay na sila ngayon at ngayon na bakasyon na naman sa sch

