RACHEL Habang narito ako sa paborito kong tambayan sa University ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ilang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari. Nakatingin ako ngayon sa singsing na nasa daliri ko. Ayaw ko sanang isuot pero ayaw naman ni Adam na alisin ko. Gusto daw niya na nakikita sa kamay ko itong engagement ring na bigay niya. Nagsimula na ulit ang pasok ko sa University kaya naman talagang magiging busy na ako. Kahit na kakabalik pa lang namin ay marami na agad gawain ang kailangan naming gawin at ipasa. Palagi na akong puyat at nagpapasalamat naman ako kay Adam dahil iniintindi niya ako. Simula noong engaged na kami ay mas lalo siyang naging malambing sa akin. Silang dalawa ni Reighn ay talagang pinaparamdam sa akin na magkakaroon kami ng masayang pami

