RACHEL Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko sa asawa ko. Nagulat kasi ako sa ginawa niya. Hindi ko kasi alam na ngayon pala siya uuwi. Hanggang ngayon ay sweet pa rin talaga siya sa akin. May dala pa kasi siyang bulaklak. Lagi naman siyang nagbibigay pero hindi pa rin ako nasasanay. “Mahal, masakit pa rin ba?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. “I’m okay na, mahal. Sanay na ako sa lambing mo. Physical lambing,” sagot niya sa akin at niyakap pa niya ako. “Ikaw kasi eh kasalanan mo rin.” “Opo, kasalanan ko na. Hayaan mo muna akong yakapin ka, mahal ko.” malambing na sabi niya. “Yakap lang?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Puwede pa ba?” tanong niya sa akin. “Siguro, puwede naman tayong magtanong.” natatawa na sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako sa kanya dahil bigla na lang siy

