ANG MGA SPECIAL CHAPTERS PO AY TUNGKOL SA NAGING BUHAY NI ADAM AT RACHEL AFTER NILANG MAGKAROON NG MGA ANAK! THANK YOU PO! RACHEL “Mahal, nasaan na ang kambal?” tanong ko sa asawa ko dahil tapos na akong maligo. “Nasa baba po, inaalagaan ni William.” sagot niya sa akin. “Dumating na ba sila?” “Opo, nasa baba na mahal.” sagot niya sa akin. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” medyo naiinis na tanong ko sa kanya. “Mahal, relax. Hindi mo kailangan na magalit. Baka nakalimutan mo na buntis ka po,” malambing na sabi niya sa akin. “Alam mo naman na miss ko na si mama,” sabi ko sa kanya. “Alam ko naman po ‘yon at hindi naman sila aalis agad. Remember 3 days sila dito,” sabi niya sa akin. “Sorry,” sabi ko sa kanya. “Bakit naman nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali,” sabi niya sa

