“Sige na anak! Tapusin na natin ang laban na ito!” buo ang pagkakasabi ko no’n. Ito na ang hinihintay kong dulo ng aking paghihiganti. "Ito na talaga yun, Dad. Hindi mo na kailangang matakot ngayon. Hindi ka na mag-isa para lumaban. Kasangga mo kami sa huling laban mo. Kung anuman ang mangyari, lagi mong tandaan na mahal na mahal ka naming kahit pa hindi tayo nagkasama nang matagal. Pagakatapos nito Dad, babawi ako. Kaya kong ilaban ang lahat para sa ating pamilya. Walang bibitiw. Sugod lang hanggang kaya natin. Ipapanalo natin ito, Dad." "Oo ‘an. Ito na ang huling laban. Tama ka kailangan na nating tapusin ito para sa ikatatahimik nating lahat at nang makapamuhay na tayo ng payapa. Kahit hindi na ako, matagal na rin namang tapos ang buhay ko. Kahit kayo na lang, nak." “Huwag kang magsa

