Amanda
NAKALABAS na ako ng hospital but I know I'll regret this. Pakiramdam ko mas hindi ako safe sa labas pero mabuti na din ito. Because every minute na nasa kuwarto lang ako, mas my chance na mahanap ako ni Billy and every minute that I see myself in the mirror I know that I'm not my own self anymore.
"Oh!" nakadama ako ng kaunting hilo ng mapasadlak ako sa isa sa mga benches malapit pa rin sa ospital. Parte pa rin siguro ito ng pagka bagok ng aking ulo at sumama pang nag aalburuto na rin ang kumakalam kong sikmura sa gutom—pero kailangan kong gawin ito. Sa bawat pag patak ng segundo, sa bawat ikot ng oras malaki ang tsansang mahahanap niya ako.
Nang makaya ko na ay nag patuloy ako sa pag lalakad, pilit ko ang sarili ko habang nakikita kong nag dadalawa na ang tingin ko sa mga tao at bagay na nakakasalubong ko. Umupo ako sa unang nakita kong benches para umamot ulit ng kaunting lakas. Iniisip ko pa din kung saan ako pupunta pero patindi naman na ng patindi ang nararamdaman kong hilo kaya ipinikit ko sandali ang mga mata ko.
Malambot na pakiramdam sa likod ko ang nag pamulat sa aking mga mata. Iniligid ko ang paningin ko sa paligid.
Ito yung kuwarto sa hospital diba? Paano ako nakarating dito? Sa pagkakatanda ko pumikit lang ako eh. Nakagat ko na lang ang labi ko sa katangahan ko. Well obvious ba Amanda na hindi lang pikit ang ginawa mo?
I groaned as I thought of my stupidity. Until I saw him again staring at me. The most beautiful pair of brown eyes I have ever seen since I wake up.
Jusko! Kung ganito ba naman ang panaginip ko nakakalimutan kong may gustong pumatay sa akin.
"Jen,"
Shit! Napabalikwas ako sa masarap kong pag kakahiga nang mag umpisa siyang mag salita. He's not even a dream. Stupid of me!
I started to slide on the other side of the hospital bed, but he caught my wrist.
"Don't run, please."
Tinitigan ko ang kamay ko na hawak-hawak niya, maluwag ang pagkakahawak niyang iyon sa akin, wala itong bakas ng pamuwersa at kaya kong kumawala kung gugustuhin ko. I looked up on his face. All I saw was hurt. But his expression can't convince me. Kung si Bill nga napaikot niya ang daddy ko hindi rin malayo na ganun din siya.
"Let go of me, please..." sakto lang ang boses ko para marinig niya. Hindi ko ipinahalata ang takot na nararamdaman ko sa kanya.
"Will you promise not to run?" I looked at him straight on his eyes.
"I promise nothing." He grimaced! Nasaktan ko ata siya. But then, he let me go. Umupo siya sa kama saka nakita ko itong alanganing umupo at hinilamos ang mga palad sa mukha.
"What do you want from me?" I started as I still put a distance between us para sa oras na may gawin siyang masama madali akong makakatakas. Heto na ang kinatatakutan niyang confrontations.
There is no turning back now Amanda.
"Ang gusto ko lang ay mag stay ka muna dito sa hospital and let the doctors check up on you," he said sadly.
"Why do you care?" I know, hindi ko dapat siya sinusungitan, pero pinapasakit niya talaga ang ulo ko.
"Jen," then he holds my hand.
"Why do you keep on calling me that?!" I shout at him as I pulled my hand away from him. Hindi man lang siya natinag sa sigaw ko, and he only smiled to me sweetly. Gusto kong magmura at umiyak sa galit. Damn, this face! Kasalanan ito ng mukhang ito kung bakit hindi nila ako kayang paniwalaan sa mga pinag sasabi ko.
"Because it is your name, baby." Umiling ako ng paulit-ulit sa kanya at nakita ko ang pagdagsa ng kalungkutan sa mukha nito.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nalulungkot ako sa nakikita kong malungkot din siya? Sino ba siya sa buhay ko?
"No, it's not." mariin kong sabi, pinalis ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Bakit ba ako naiiyak? "My name is Amanda! How many times will I say that to you?! Alam kong alam mo din yon. And if Billy think he is going to get away by making me crazy, nagkakamali siya!" hinihingal na ako sa galit, hindi ko hahayaang lokohin ako ni Billy.
Sukdulan ang galit ko sa kanya! Isinusumpa ko siya! Dahil sa kanya kaya nasira ang buhay ko! At kahit sa kamatayan pag babayaran niya ang lahat ng ginawa niyang ito sa akin. Hindi ko hahayaang makapag lakad siya sa mundong ito ng hindi niya pinag babayaran ang kanyang mga kasalanan sa akin.
"Billy? Who's Billy?" his face full of questions. I almost laughed at the way his face looks like. He looks innocent. Kung di ko lang alam na kasabuwat niya ni Bill mapapaniwala niya ako.
Napatutop ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng panibagong kirot doon. Salat ko ang makapal na benta sa ulo ko at pakiramdam ko ay unti-uting binibiyak ang buo kong ulo sa sakit. Sinikap kong tumayo pero hindi ako nagtagumpay.
"Jen, please stay here." Nagulat na lang ako na andiyan na agad siya sa tabi ko.
"Hindi puwede." Hinawi ko ang kamay niyang naka alalay sa akin saka nag pumilit na kayaning tumayo.
"Babe please, we have to take care of you. We have to take care of the baby." Mariin nitong sabi sa akin na ikina-tulala ko.
Baby?
"You are pregnant, and you need to rest."
Pregnant?
Bigla na lamang akong napahawak sa maimpis kong puson at doon lang ako natauhan. Hindi ko man alam kung sino o papaano ako nabuntis pero ako pa din ang responsable kung my mangyari sa batang ito.
"Please, please help me." pag susumamo ko sa kanya, hinarap ko siya saka niyakap. "Tulungan mo ako." Pag susumamo ko sa kanya ng higpitan naman nito ang magkakayakap niya sa akin.
Oh my God! It feels good to be in his arms. As I look into his eyes. And for a moment, he didn't seem like a stranger, he seemed like someone I'd known for a long time.
My fear vanished in an instant. Then It went black.