Amanda SUMAGAP ako ng sariwang hangin habang pinag mamasdan ang magandang kapaligiran sa paligid ko. Masaya ako dahil nakasilip ako ng kahit konting pag asa na puwedeng maayos ang pag sasama naming ni Jake. Nagising ako ng wala na siya sa tabi ko but I found a note beside me telling me to wait for him tonight. Malamang paguusapan namin yung nangyari kagabi. Aaminin ko, ginusto ko din naman ang nangyari sa amin. Alam kong hindi lang iyon ang dapat pag basehan ng pagsasama. Dapat may kasamang pag mamahal. Hindi naman biro ang bigla na lang ibigay agad ang tiwala at pagmamahal, sa isang katulad kong oportunista. Ang mahalaga ay sinusubukan naming buksan ang kaisipan sa pagkakasundo, alang-alang sa magiging anak namin. Mananatiling si Jenny ang babaeng mahal niya,

