LEYANA Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog. Sa bawat hakbang na ginagawa ni Bradley palapit sa akin ay siyang palakas at pabilis ng pabilis na t***k ng aking dibdib. Ilang beses kong inutusan ang sarili ko na igalaw ang mga paa ko upang tumakbo papasok ng bahay ngunit hindi ko nagawa dahil tila napako na ako sa kinatatayuan ko. Sunod-sunod akong napalunok ng malalim at sandaling tumigil ako sa aking paghinga ng tuluyan nang makalapit sa kinatatayuan ko si Bradley. He cleared his throat loudly. "What are doing here, Ate, checking me out..." may tudyo na bulong niya sa tapat ng aking tenga, napakislot ako nang biglang humaplos ang palad nito sa pang-upo ko! Sa gulat ko ay doon ko pa lang nagawang igalaw ang aking katawan. "Bastos ka, ah!" mariing sabi

