LEYANA Sapo ang aking dibdib na napasandal ako sa likod ng pinto paglabas ni Bradley. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako dahil hindi ako makahinga ng maayos. Kaya naman nang makita ko ang isang baso ng orange juice doon sa ibabaw ng side table ay agad akong lumapit roon at ininom iyon. Ngunit makalipas ang ilang minuto matapos kong ubusin ang juice ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking sarili. Napahawak ako sa aking noo ng tila umiko ang aking paningin at hindi nagtagal ay nagdilim ang paligid ko. “Mm…” impit na sambit ko nang unti-unti ay nagising ang aking diwa. Sinikap kong imulat ang aking mga mata ng may narinig akong tumikhim mula sa katabi ko. Umuwi na ba ang asawa ko dahil mula sa isang lalaki ang tikhim na narinig kong iyon. Mabigat pa rin ang aking ulo ngunit pinilit

