Hardinero 1

652 Words
Si Zenara Flores Quiano ay 19 years old at kasalukuyang namamalagi sa rancho nila sa batangas. Summer ngayon at bakasyon niya kaya't kanya itong sinusulit. Isa siyang photographer student sa isang tanyag na eskwelahan sa Maynila. Nagpunta siya ngayon dito sa kanilang rancho upang makatulong sa kanyang ama na si Don Agapito Quiano. Kung hindi nga niya lamang gustong kumuha ng photography ay hindi na siya pupunta pa sa Maynila at nais na lang niyang manatili dito kasama ng kanyang ama. *Tok *tok *tok Dahil sa katok ay nawala sa konsintrasyon sa paglilinis ng kanyang camera si Zenara. "Zen, anak. Halina't kakain na kayo ng iyong Ama ng umagahan." Si Manang Paz ang tumawag sa kanya. Ito na ang nag alaga sa kanya mula noong bata pa siya. Hindi man niya mapakita ay labis niyang mahal ang matanda higit pa sa totong ina niya. "Opo, Manang. Susunod na ho ako." Maingat na iniligpit niya ang kanyang camera at iba pang kagamitan bago ako bumaba upang makasalo sa almusal ang aking ama. Nang makababa ako galing sa aking kuwarto at makarating sa hapag kainan ay nakita ko ang akong ama na malawak ang ngiti sa akin. "Hija, halika't maupo na." Nilapitan ko ang aking ama bago ako umupo sa kaliwang bahagi ng mesa. "Papa, gusto ko po sanang maglibot sa rancho at kumuha ng mga litrato na maaari kong isama sa portfolio ko." Turan ko habang kumukuha ng pagkain ko. "Bibisita rin pala ako sa hardin at baka doon na lang ako mag tanghalian. Gusto kong pagmasdan ang mga bulaklak na tinanim ko noong huling magpunta ako rito." Pagtutuloy kong paalam kay papa. "Tamang tama at ng makilala mo si Leonardo. Siya ang bagong hardinero natin dito sa rancho." Napatingin ako sa aking ama dahil hindi ko alam na may pumalit na pala kay Mang Hato, ang dati naming hardinero. "Sinunod pala ni Mang Hato ang payo ko. Tama lamang na magtigil na siya sa pagtratrabaho dahil matanda na siya. Kahit naman hindi ganun kaganda ang asal ko sa harap niya at ng iba pang trabahador niyo ay may malasakit naman ako." Tumango ang kanyang ama bago tumawa. "Hahaha~ Paanong hindi susunod sayo kung tinakot mo ang matanda na kung hindi siya magtitigil ay tatangalan mo na lang siya ng trabaho at hindi na susuportahan ang pag-aaral ni Berlin." Tumatawa man ay halatang hindi nagustuhan ng kanyang ama ang pananakot niya kay Mang Hato. "Para naman ho sa kanya iyon. Atsaka hindi na niya kailangan pang magtrabaho dahil may makukuha naman siya buwan buwan na pera." "O siya, tama na ang ganitong usapan at magtuloy ka na sa pagkain mo. Alam kong namiss mo ang mga luto ni Paz." Nakangiti nang pahayag ng kanyang ama. Pinagpatuloy ko na ang pagkain dahil tama ito sa sinabi na namiss niya ang luto ni Manang Paz. Sa Maynila ay siya lamang ang nagluluto ng mga kinakain niya at kumpara kay Manang Paz ay walang wala ang kakayanan niya sa larangan ng pagluluto. Nang matapos sa pagkain ay napagpasyahan niya na umakyat na sa kanyang kwarto at maligo upang makapaglibot na agad siya sa rancho. Suot ang isang tshirt na itim, maong na pants at boots ay umalis na si Zenara bitbit ang kanyang camera para kumuha na nang mga litrato. Nagpunta siya sa kwadra at doon kumuha ng ilang litrato ng mga kabayo, gayundin ang ginawa niya ng mapuntahan ang kinaroroonan ng iba pang hayop na inaalagaan sa rancho ng kanyang ama. Sumapit ang ika-10 ng umaga ng mapagpasyahan niya na pumunta na sa hardin. Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa entrada ng hardin ay naramdaman niya na lang na nabasa siya ng kung sino mang bwiset na tao. Napasigaw siya sa pagkagulat at nakahinga ng maluwag ng hindi nabasa ang camerang nakasabit sa kanyang leeg. Nag angat siya ng tingin upang makita ang isang lalaki na papalapit at may pagaalala na nakapaskil sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD