Ilang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang biglang pagpasok ng mga hindi kilalang lalaki sa mansyon ng mga Montefalco. Simula din ng araw na 'yun ay wala ng nanggugulo sa kanila. Wala din silang balita kung sino ang may pakana ng mga nangyari dahil ang mga nahuli ay ayaw magsalita. Hindi na din iniisip ni Anastasia kung ano man ang nangyari. Sa ngayon, ang mahalaga sa kanya ay ang anak niya. Lumabas ang mag-asawa kasama ang anak nila mula sa simbahan. This is their first mass as a family. Pagkatapos nilang magsimba ay napagpasyahan nila na pumunta sa isang mall para mamasyal. Ito din ang unang pasyal nila bilang isang pamilya. "Let me hold him." sabi ni David habang magkaharap silang nakaupo ni Anastasia sa isang resto. It's lunch time kaya naman napagpasyahan nila na kumain sa

