"Mukhang atat na atat na silang patayin ang pamilya mo, dude." sabi ni Denver habang nasa loob sila ng opisina nito. Binigyan siya ng kape nito. Umaga na pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang tulog. Gusto sana niyang pauwiin si Anastasia para mas makapagpahinga pero ayaw nito. Anastasia want to take care of Amber and he understand it. Napaisip naman ng malalim si David. Nahuli ang ibang mga lalaking pumasok sa mansyon nila pero ang iba ay nakatakas, lalo na ang leader nito. Ini-interrogate na ngayon ang mga nahuli pero masyado itong matigas. Ayaw magsalita. Kahit alam nila kung sino ang may pasimuno nito ay hindi pa rin nila pwedeng sabihin sa mga pulis. Hindi nila alam kung anong pwedeng sunod nitong gawin. He wanted to make sure that his family is safe bago niya sabihin ang la

