Habang papalapit si Anastasia sa opisina ni David ay nakataas ang kilay ni Sheena habang nakatingin sa kanya. Nang malapit na siya ay tumayo ito saka inikotan siya ng mata. "Araw-araw ka na lang bang bibisita dito?" mataray nitong tanong. "Wala naman sigurong masama kung araw-araw kong dadalawin ang asawa ko." talagang in-emphasize pa niya ang salitang asawa. "Wala naman, pero hindi mo ba naisip na nakakasagabal ka na sa kanya?" Bahagya siyang natawa. "Bakit naman ako sagabal? Bukod sa umuupo lang ako sa opisina ay wala akong ibang ginagawa para maging sagabal sa kanya." Nginiwian siya nito. "Bahala ka. Baka sa araw-araw na pagdalaw mo kay Mr. Montefalco ay magsawa siya sa pagmumukha mo." Nginisihan niya ito. "That would never happen. He loves me." "For now." Nangunot ang noo niya s

