Nang marinig niya ang pagputok ng b***l ay nagulat siya ng wala siyang maramdaman na sakit mula sa tama ng b***l. Nakarinig siya ng pagbagsak at nang pagdilat niya ay nakita niya si Sofie na may tama ng b***l at walang malay. Nanigas siya sa gulat, buong buhay niya ay hindi pa siya nakasaksi ng p*****n. Hindi siya makagalaw sa kinalalagyan. Nakabalik lang siya sa reyalidad ng hawakan siya ng isang pulis. Bahagya pang umangat ang balikat niya ng hawakan siya nito. "Ayos ka lang, Miss?" Hindi siya nakasagot dahil hanggang ngayon ay nasa stage pa rin siya ng pagkabigla. "Patay na 'to." Napaluha siya ng sabihin ng pulis na patay na si Sofie. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Pero ito buhay pa, kailangan na natin 'tong dalhin sa hospital bago pa ito maubosan ng dugo." Doon lang n

