Kabanata 78

1286 Words

Nakaupo sa harden si Anastasia habang pinagmamasdan ang anak na nakahiga sa isang baby rocker at mahimbing na natutulog. Nawawala talaga ang pagod at puyat niya kapag nakikita ang anak. Tumambay sila sa harden dahil gusto niyang makalanghap din ng sariwang hangin ang anak niya. Malayo kasi sa lungsod ang mansyon, kaya malayo din sila sa polusyon. Ilang kilometro ang lalakbayin nito bago makarating sa lungsod. May mga puno, halaman at mga bulaklak sa harden na mas nakakapagbigay ng sariwang hangin. Mas pinapaalagaan niya ang harden ngayon dahil malapit na ang summer. Tag-init at baka malanta ang mga halaman. Alam pa naman niya kung gaano ito kaimportante sa asawa. Hindi masyadong kainitan ang panahon kaya ayos lang na ilabas niya ang anak at tumambay sa harden. Masarap tuloy ang tulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD