Kabanata 10

1050 Words
"Oh!" gulat na sabi ni Denver ng makita si David na prenteng nakaupo sa sofa ng bahay niya. "What are you doing here?" "Let me stay here for a while." "Bakit?" nagtataka nitong tanong. "There is an annoying person living in my mansion," sabi niya saka uminom ng juice. "Teka lang." Tinuro niya ang hawak nitong baso na may lamang orange juice. "Where did you get that juice?" "From her." Walang ganang turo niya kay Monicca na kalalabas lang galing kusina. Napatingin si Denver kay Monicca. Ngumiti ito ng makita si Denver. "Good afternoon, Doc." "What are doing here?" nagtataka niyang tanong din dito. Hindi nya kasi maalala na tinawagan niya ito para papuntahin sa bahay niya. "I cooked for you." Inilapag nito ang nilutong pagkain sa mesa. "Alam ko kasi na may hang-over ka kaya pumunta na ako dito para ipagluto ka and you are welcome," nakangiti nitong sabi. "You don't need to do this, Monicca." "It's my duty to serve you, Doc. I'm still your assistant." "Assistant, not my maid," pagtatama ni Denver sa sinabi nito. "Whatever." Pinaikotan siya nito ng mata. "Kumain ka na lang, ang dami mo pang satsat. Tanghali na at hindi ka pa nag-aalmusal, and you need to drink your medicine for your headache."   Napailing na lang si David sa nasasaksihan niya. Para tuloy niyang nakikita ang sarili at ang makulit na dalaga, pero magkaiba nga lang. Sanay na kasi si Denver na kinukulit ito ni Monicca at ilang taon na din magkakilala ang dalawa. Samantalang siya ay hindi sanay na may nangungulit sa kanya. Sanay siya na tahimik ang buhay niya, walang magulo, walang maingay, at lalong-lalo nang walang makulit. "David." Napatingin siya kay Monicca ng tawagin siya nito. Nakita niyang nasa hapagkainan na ang dalawa. "Kumain ka na din," aya nito sa kanya. "No, thanks. I'm done." "Ows?" She mocked. “Baka naman nahihiya ka lang.” "Ewan ko sa ‘yo." Naiinis talaga siya kapag kausap ito dahil kahit anong sabihin niya ay hindi ito basta-basta naniniwala. Natawa ito. "Ang pikon mo talaga," naiiling nitong sabi. "Kaya hindi ko talaga maintindihan kung paano natitiis ni Angel ang ugali mo." Napakunot-noo siya. "You know her?" "Oo naman. Siya 'yong babaeng nasa bahay mo, 'di ba? Kami kaya ang gumamot sa kanya." Naalala niya na kasama pala ito ni Denver noong gamutin nito si Angel, pero hindi niya alam na nagkausap pala ang dalawa dahil ng makita niya si Monicca ay wala namang malay ang dalaga. "You two talk?" "Oo naman." Nilunok nito ang pagkain. "Ako kaya ang naglilinis at nagche-check up ng mga sugat niya. Nakakatuwa nga siyang kausap eh, masyadong masayahin." “Yeah. And you both are talkative.” “That us. Girls,” proud pa nitong sabi. Hindi na siya nagsalita pa. Umalis nga siya ng mansyon para hindi makita o marinig ang boses ng dalaga pero ito naman si Monicca na laging si Angel ang bukambibig. Pakiramdaman niya kahit saan siya magpunta ay sinusundan pa rin siya ng anino nito. Ayaw siyang lubayan. Ayaw siyang bigyan ng katahimikan. "Would you stop talking about her?" Naiinis na sya. Naririndi na siya sa pinagsasabi nito lalo na't tungkol sa dalaga. "Bakit naman?" painosente nitong tanong pero alam niya na sa loob-loob nito ay inaasar siya. "Anong masama kung binabanggit ko siya?" Sinamaan niya ito ng tingin pero nginisihan lang siya nito. "Stop it, Monicca," saway ni Denver dito ng makitang malapit ng mapikon ang kaibigan. "What?" Sabay na napailing sina Denver at David. "I didn't do anything wrong," inosente nitong sabi sabay subo ng kanin. Wala nga ba? David said, mocking on his mind. Halos magkatulad talaga ng ugali sina Monicca at Angel, parehong matigas ang ulo. Kahit anong saway mo ay hindi nakikinig, parang mas lalo ka pa nitong inaasar. Ang magkaiba nga lang ay sanay na siya sa ugali ni Monicca kahit na minsan niya lang ito nakakasalamuha. Samantalang si Angel ay araw-araw niyang nakikita, araw-araw siyang kinukulit. Gaya na lang ngayon, dapat ay nasa mansyon siya ngayon at nagpapahinga pero hindi niya magawa dahil may makulit na nilalang ang nakatira sa pamamahay niya. Hindi siya makapaniwala, siya pa talaga itong mag-a-adjust. "You know, David? She is a nice girl," komento ni Monicca tungkol kay Angel. "You both look---" "Beautiful." Tumawa ito ng sinamaan niya ito ng tingin dahil sa pag-interupt nito sa sasabihin niya. "I know." "You both are annoying," sabi niya dahilan para siya naman ang tingnan ng masama ni Monicca. "You both are noisy, can't understand a simple instructions. You both always do what you want." "What the heck, David!" Tinaasan siya nito ng kilay. "This is a free country, of course we will do what we want, not what you want. We are not your puppet to follow your orders." Napasapo na lang siya sa sariling noo. Kahit ano talagang sabihin niya ay palagi itong may sagot, ayaw magpatalo. Umalis nga siya ng mansyon dahil gusto niya ng tahimik na araw kahit ngayon lang pero may isa na naman pa lang maingay. "Oh, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Denver ng makitang tumayo siya. "Sa lugar kung saan walang maingay." "Hindi naman maingay dito ah, ang tahimik nga eh." Sinamaan niya ng tingin si Monicca ng tingnan na naman siya nito ng inosenteng mukha. "Kung tahimik sa ‘yo ang ganito, ano pa kaya ang maingay sa ‘yo? Tss." Tuloyan na syang umalis saka iniwan ang dalawang baliw. “Sa memorial park ka pumunta, doon tahimik.” Narinig niyang sigaw ni Monicca. What an annoying person. Mabuti na lang at natitiis ng kaibigan niya ang kaingayan ng bibig nito. Pumunta na lang sya sa condo unit niya. Dito siya pumupunta kapag tinatamad na siyang umuwi sa mansyon. Mas malapit kasi ito sa kompanya. Nahiga siya sa kama saka ipinikit ang mga mata para matulog pero agad ding napadilat ng makita niya ang imahe ng mukha ng dalaga na nakangiti. Agad siyang napaupo saka napasabunot sa sariling buhok. Kahit ba naman sa pagpikit niya ay ando’n pa din ito? Tahimik na nga ang condo niya pero ginugulo pa din siya nito. Pati sa isip niya ay nanggugulo ito. Bakit ba ayaw siya nitong tantanan? Naiinis na nahiga siya saka tulalang nakatingin sa kisame at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD