Yumayanig ang lupa sa bawat dagundong ng tugtog na nagmumula sa kalapit na establishimento. Kahit nasa labas pa ang ay wala na siya halos marinig sa kapaligiran dahil sa lakas ng musika roon. “Girl, nasaan ka na? Nandito na ako.” Buong lakas niyang saad sa kabilang linya ng telepono matapos itong sagutin. Kahit kasi ang sarili niyang boses ay hindi na niya marinig. Kinailangan niyang tumungo sa may parking lot dahil hindi niya maintindihan ang mga salita ng kaibigan. “Sis, sorry. Let’s cancel for tonight, hindi na ako makakapunta diyan.” Ulit ni Leora nang sa wakas ay mapansin nito na nasa mas tahimik na siyang lugar. Mabilis na lang napakunot ang noo ni Mariella, kasunod ng pasimpleng pagyabag ng paa sa lupa. Hindi na niya alintana kahit nakasuot siya ng takong dahil sa inis at pagk

