Chapter 21: Vows

1245 Words
Margaret's POV Di ko maiwasan na maiyak habang sinusuot ko ang aking wedding gown. Kasama ko ngayon sina Mommy at ang dalawa kong kaibigan. "Anak napaka ganda mo" "Sis! Napaka pretty mo dyan!" "Agree Marga, napaka ganda mo sa wedding gown na yan" "Thank you sainyo. Thank you for helping me until this day" "Huwag ka ngang magpapaiyak, pag si tita talaga naiyak naku uulit tayo lahat ng make up nyan" Nag tawanan na lang kami dahil tama nga naman si Elisia. Nang makatingin na ako sa salamin ay kakaibang saya at excitement ang naramdaman ko. Para bang nakalutang ako sa langit ngayon. Nitong mga nakaraan ay puro hinala na lang ang lagi kong nararamdaman kapag tumitingin ako kay Magnus pero napatunayan nya naman sa akin na seryoso sya nang bigyan nya ulit ako ng assurance. Nitong mga nakaraang araw lang din ay naging okay na din ang mood nya kaya naman naging kampante na ako. "Ano? Tara na ba? Hinihintay na tayo ng lahat sa simbahan anak" "Okay po Mommy" "Teka lang Marga, Tita! Mag selfie na muna po tayo bago umalis" "1,2,3 smile!" Para bang nag fast forward ang lahat nang mamalayan kong nasa harap na ako ng napaka laking pintuan ng simbahan. Naka abang na sa loob ang iilan naming kaibigan at kapamilya. Dahan dahan nang nagbukas ang pinto, unti unting lumiliwanag at unti unti ko ng nararamdaman ang kaba na may halong saya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko kaya naman medyo naluha na din ako pero napigilan ko naman ang umiyak lalo na ng sinabihan ako ng mga kaibigan ko na ngumiti lang. Grateful din ako sa kanila dahil halos lahat ng proseso para sa pagpapakasal ay sila lang din ang kasama ko kaya mahal na mahal ko iyang dalawa. Kinuha na ako nila Mommy at Daddy at saka nag lakad papalapit kay Magnus. Nang magkaharap na kami ay saka naman kami binigay sa isa't isa ng mga magulang namin. Nag mano at beso lang kami upang tanda ng pag galang sa kanila. Nang ilahad na ang mga palad namin sa isa't isa ay ngumiti kami at naupo na din ako sa upuan ko ganun din si Magnus. Nanlalamig ang mga kamay ko ngunit buti na lang ay hawak ito ng maligamgam nyang mga kamay. "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your wife" Nang sabihin iyon ng pari ay nagpalakpakan na ang lahat at tumayo na sila tanda na tapos na din ang seremonya. Hinalikan naman ako ni Magnus, sa harap ng mga nagmamahal namin at minamahal namin. Agad na nagsilabasan ang lahat at doon kami sinalubong ng mga bulaklak at pagbati. Sumakay na kami sa sasakyan na nakalaan sa amin kaya naman ay dumiretso na din kami kaagad sa Reception na ni reserve ng mga magulang ko mismo dahil kakilala din nila ang may ari noon. "Anong pakiramdam mo Misis Gray?" "Hala Lovie! Nakaka panibago naman, pero bagay ba sa'kin ang Gray?" "Oo naman Constance Margaret Perez Gray" "Binuo mo pa talaga Magnus Gray ah!" "Palitan na natin ang heels mo Misis ko, alam kong masakit na ang mga binti at paa mo kaya ito, nag dala ako ng tsinelas, yan yung paborito mong character diba?" "Wow! Saan ka nakahanap nito? Ang mahal nito ah! Saka sa ibang bansa pa to makukuha!" "Naman, ako pa ba? Napaka special mo kasi kaya ayan, weeks before our wedding I checked it out para magamit mo sakto sa wedding day" "Thank you so much Lovie! I love it!" "Kiss lang naman okay na" "Kiss lang pala eh, kahit oras oras pa" "Hahaha baliw, mamaya na kapag tayo na lang" Nang makarating kami sa reception ay agad naman akong nag palit ng wedding dress na pinag isipan din namin ang detalye kaya excited na akong makita ang reaction ng lahat. Palabas na sana ako nang biglang may pumasok sa kwarto kung saan ako nagbibihis "Sinong nandyan? Elisia? Tracey?" Walang sumasagot kaya kinakabahan na ako "Mommy? Ikaw ba yan? Hello?" Nang matapos na ako ay lumabas na din ako, pero walang kahit na sino ang nandun. Tanging box na puti lang ang nakita ko. Na curious ako kaya tinignan at binuksan ko iyon. Naglalaman ito ng lingerie na kulay pula. Hindi din naman sinabi sa box kung sino ang nag bigay kaya naman pinabayaan ko na lang. Nagsisiyahan na kaming lahat at tapos na din naman ang program na hinanda ng nag organize ng party kaya kwentuhan at inuman na lang ang pumapalibot sa loob ng grand hall na yun. "Still okay?" "Medyo nawalan lang ako ng social battery, parang gusto ko na mag pahinga" "Pwede naman na tayong mauna Misis ko. At saka excited na din talaga akong umuwi sa bahay natin eh" "Ako din, what if we ditch this party na lang at mag rest sa bahay?" "Pwede din naman tutal mukhang nag eenjoy sila. Paalam na lang tayo sa kila Mama at Papa, saka sa mga magulang mo" "Magulang natin Lovie" "Ay oo nga pala! Magulang natin hihi!" Napangiti na lang ako dahil sa wakas ay bumalik na sya sa dati nyang sigla. Nitong mga nakaraan din kasi talaga ay para syang tolero at di ko makausap nang maayos, lagi nyang sinasabi sakin na lubog lang daw sa trabaho kaya naisipan ko din na mag trabaho para hindi lang sya ang kumikilos sa pamilya namin. Pumayag na sila Mommy at mga magulang nya kaya naman ay nag drive na kami papunta sa bahay namin. "We're here misis ko" "Grabe Lovie, parang kailan lang eh nag propose ka lang sakin ngayon eh unang gabi na natin na titira dito na asawa na natin ang isa't isa" "Alam mo hindi naman sa ganid ako pero mas grabe ang hinintay ko Madam baby para lang makapunta ako sa araw na to. Nung pinag pares tayo para sa pageant don lang ako nagkaroon ng solid na confidence para kausapin ka kaya naman di ko inakalang madadala pa kita sa altar. Salamat kasi hindi ka sumuko sakin kahit napaka kulit ko, kahit pa na meron tayong hindi napagkakaintidihan minsan, pero hindi naman yun nakabawas sa pagmamahal na meron ako para sayo Marga. Pinapangako kong mamahalin kita ng sobra sobra hanggang mamatay ako. Iingatan ko ang tiwala at tagal ng relasyon natin kung gaano mo iningatan yun. Mahal na mahal kita at wala na akong iba pang mahihiling kasi nandito ka naman na." "Are declaring our vows again to each other?" "Pwede din, sige nga labanan mo nga yun" "I dont want to compete pero ang masasabi ko lang I will try my best para maging best housewife sayo at maging best mommy sa mga anak natin, kung ikaw matagal nag hintay sakin. Ako matagal akong nangarap na makakilala ng isang tulad mo, kaya para sakin meant to be tayo. I will share everything with you and you will share your burdens with me. Promise me na magsasabi ka sakin ng mga nararamdaman mo okay? I will be here, always" Niyakap namin ang isa't isa at saka na pumasok sa loob. Mahaba haba pa ang gabi pero baka itulog na lang muna namin ito. For me hindi naman kailangang may mangyari agad sa unang gabi nyo bilang mag asawa dahil hindi naman kayo nag pakasal para lang doon pero para maipahayag ang nararamdaman nyo sa isa't isa. At masaya akong nagawa ko yun kay Magnus, dahil hindi nya alam ay matagal din akong nag hintay kumilos lang sya para makuha ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD