KAIZEN RED DELAFUENTE’S UNTOLD PART "Dapat kasi, bago umalis ay pinakasalan mo muna. Ngayon, saan mo iyan hahanapin?" Sinalo ko ang aking mga luha habang pinapanood ang video niya sa airport na dinudumog ng mga fans at tinatapunan ng kung ano-ano. She looks so weak and helpless! Kung naroon ako, marahil ay nasigawan ko na ang lahat at ang bawat lalapit sa kanya ay maitutulak ko sa sobrang galit. Hindi ko sinagot ang aking kakambal na nasa aking tabi lamang. Ang hirap alisin ng aking mga mata sa nangyayari kay Keyla. How can they hurt her like she made their lives miscerable? I don't believe that scandal! Hindi iyon si Keyla! Kahit wala akong malaking ebidensya sa inaakusa sa kanya ay malakas ang tiwala ko na hindi iyon siya. "Si Keyla ba iyon, Kuya?" tanong ni Elle, ang hikbi ay aga

