Understanding Dinala ko si Kaizen sa bahay nila Lolo at Lola para pormal ko rin siyang maipakilala. Umuwi ako sa Sabado ng umagang iyon kasama siya at bumungad agad si Lola sa akin, katulad ng kanyang pagsalubong sa akin tuwing umuuwi ako. "Namiss kita, Keyla..." ani Lola at niyakap ako. "Pasensya na, Lola... Nabusy ako sa Art Gallery at pagpapractice ko sa magiging performance ko sa ballet," sabi ko nang humiwalay ito. Naglaro agad ang kanyang mga mata kay Kaizen na nasa aking tabi. Nagmano sa kanya si Kaizen. "Magandang umaga po," bati ni Kaizen. "Ikaw si... sino nga iyon, Keyla?" Namutawi ang ngisi ni Lola, may ediya pero hindi lubusang matandaan ang pangalan. "Si Kaizen po," sabi ko at kinagat ang labi. "Oo si Kaizen! Iyong pinakasalan ka! Iyong boyfriend mo sa Pilipinas." N

