Obsession Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod habang pababa kaming dalawa ni Kaizen. Hindi ako makapaniwalang ganoon siya magalit. Paano nalang kung hinayaan ko silang magsuntukan ni Raiden? I'm sure mapapalipad niya sa bubong si Raiden sa sobrang galit niya. His punch made him fall from the ground! Baka sa ikalawang suntok mapalipad niya na ng malayo. Parang walang nangyari pagbaba namin lalo na't tuloy parin ang party. Wala atang nakapansin sa nangyaring gulo sa attic lalo na't malakas din ang sound dito sa ibaba. Naririnig ko naman ang MC sa pool area at mukhang nagsisimula na ang program para kay Mommy. Nagbibigay na ng birthday wish ang mga bisita. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Pati ba naman dito nagsosolo kayong dalawa?" si Cholo na naka tux at ang tingin ay napunta agad sa

