Choose Me Hindi ako nakapunta sa dako ni Cholo lalo na't ayaw naring bitiwani ni Kaizen ang beywang ko. It's like he's holding for his dear life kaya ayaw niya akong pakawalan. Nagsisimula na ang party noong tumuntong na ang oras sa 10pm. Ang alam ko hanggang midnight ito at may pa free wines na ang kompanya. Kumuha ako ng isa nang may dumaan sa aming gawi ni Kaizen. "Gusto mo?" tanong ko at inilapit ang wine glass sa kanya. Tinitigan niya muna iyon. "It won't poison you, Kaizen..." I smirked at him. Kinuha niya iyon sa akin at uminom. I watched his adam apple moved. Tumitig lamang ako roon hanggang sa namalayan ko nalang na inubos niya ang laman. "Akin 'yon ah! Pinatikim lang kita!" Sinapak ko ang kanyang braso at bahagyang natawa. Ngumisi siya at nagkibit. Darn him! Kaya noong

