I smiled sadly when I remembered that day.
The day when I left my baby at the hospital.
I wonder, what's Darell's reaction when he saw the room.
I only left the letter.
Nandoon na lahat ng gusto kong sabihin.
"Ego?"
"Lester.."
"Go out now, ikaw na ang aayusan, pagka-tapos ng dalawang model ay ikaw na."
"Okay."
I walked towards Marco and sit infront of him.
"Pikit." mataray niyang anas at umirap, napangiti na lamang ako.
"Patapos na tong kontrara mo, Isang taon nalang oh. Anong plano mo?" he asked.
I stilled then sighed. Honestly, wala pa akong plano pero ayos lang, may isang taon pa naman akong mag-isip, kung magre-renew ng contract o babalik. Pero wala na kasi akong babalikan pa doon.
"Hindi ko alam. Renew?"
"Bakit hindi ka bumalik sa Pinas?"
"Mas maganda ang opportunities dito, Marco."
"Opportunities ba o ayaw mo lang makita yung mag-ama mo?" panguuyam niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Anong mag-ama? Wala nga akong asawa."
"Gaga. May tatay ang anak mo at kilala mo pa. Mag-ama mo parin 'yon. Pero tama ka naman, wala ka namang babalikan pa d'on. Baka nga may asawa na 'yon, yung hindi nang-iiwan ng anak basta-basta." panga-asar niya.
Inirapan ko siya at umiling.
"Ewan ko sa'yo, bakla."
"Ayos lang na bakla, atleast hindi nangi-iwan ng anak."
"Paano ka magkaka-anak kung bakla ka? Allergic ka sa mga babae, hindi ba?" panga-asar ko, nalukot naman ang mukha nito at umirap.
"Bakit bawal mag-ampon? Alam mo kung hindi ka nakahanap niyang Daddy ng baby mo baka inampon ko na."
Hindi na lamang ako sumagot at muling pumikit. Sumasakit ang ulo ko kay Marco.
"You're good. Hope I can work with you again." nakangiting pakikipag-kamay ng photographer sa akin.
"Yeah. Me too." I smiled at him then walked towards my manager.
"Come on." tango ni Lester bago sumakay sa Van.
"Ego, tungkol sa kontrata mo nakausap ko ang Agency imbes na isang taon pa ay apat na buwan na lamang ang kasunduan pagkatapos no'n ay p'wede ka ng umalis o mag renew ng contract."
"Ano bakit apat na buwan na lang?"
"Madaming mababago sa kumpanya since iba na ang mamamahala no'n, three months from now."
"Hindi ba nila alam na sila mismo ang sumisira ng kasunduan."
"S'yempre alam nila 'yon 'no." biglang saad ni Marco habang nakatitig sa telepono nito.
"Huwag kang mag-alala napagusapan na rin iyan. Kung magkano ang napagkasunduang bayad ay ibibigay parin naman sainyong mga modelo, napaaga lang talagang maputol ang kontrata."
"Kapag ba.. Nagpa-renew ako, ilang taon naman."
"Depende, pinaka mababa na ang dalawang taon. Ano pipirma ka ba?"
Napangiwi na lamang ako sa sagot ni Lester.
"Sobrang yaman mo na kung pipirma ka uli, Ego. Aba! bongga ang Paris, may suweldo ka na sa agency, may suweldo ka pa sa brand at sponsors! Milyones na ang pera mo ngayon palang!" malakas na sabi ni Marco.
Tama naman siya. Sa tagal ko rin namang nagmodelo rito ay nakaipon naman ako. Si Gil, ay pinagpatuloy ang pagmo-modelo sa Pinas dahil mas gusto niya raw doon.
Mataas din naman ang nakukuha ko sa Pinas, pero mas mataas dito.
May sarili narin akong pangalan sa Model Industry, kaya kung uuwi ako ng Pinas tiyak na malalaman ng karamihan at dadami rin ang magde-demand ng serbisyo ko.
Gulat na napatingin si Lester at Marco sa sinabi ko. Halatang hindi makapaniwala.
"Uuwi na ako, Lester."