[LORIE] OH INOM KA PA alok sa kanya ni Ai nang maabutan niya itong nasa bahay ni Rain. Naiiyak na tinanggap niya ang inumin. Wala pang thirty minutes mula ng dumating siya ng biglang may nag salita sa likod niya. "Lorie, oh my god stop that. Makakasama sayo ang pag-inom. Ano ka ba naman Ai, alam mo nang buntis yan pinaiinom mo pa." Saway ng bestfriend niyang si Rain. Nang akmang iinumin siya ulit ay inagaw na nito ang baso sa kanya. "Huwag mo na siyang bibigyan pa ulit." Sita nito kay Ai nang akmang bibigyan siya ulit nito nang inumin "OA lang natin tag-ulan, hayaan mo siyang uminom. Isa pa hindi naman alak yang pinaiinom ko, ice tea lang yan pfttt pano yan malalasing." Sabi nito saka kinuha ang baso at binigay ulit sa kanya. "Ano? Ice tea lang yan?" React ni Rain sa kaibigan, akala

