[SPADE] AFTER NIYANG puntahan si Lorie sa condo nito, natagpuan nalang niya ang sarili niya sa bahay ng magulang niya. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon, mahal na mahal niya ito, pero bakit hindi nito makita ang bagay na iyon? Maaring nagkamali siya noon, pero paano niya naman maitatama ang pagkakamaling yon kung ayaw siya nitong bigyan ng pagkakataon para gawin yon? Tumuloy siya sa mini bar at nag salin agad ng alak sa baso. Inisang lagok niya na lang yon, saka nagsalin ulit ng isa pa. Muli niyang ininom yon saka siya napayuko ng ulo sa counter. Kahit hindi niya gustong pumatak ang luha niya kusa itong lumabas sa mga mata niya. Akala niya wala nang sasakit pa sa pakiramdam nung nalaman niyang wala na si Lorie, pero mas masakit pa pala ang malamang malapit lang ito, pero hindi n

