CLEMENTINE’S POV HALOS manginig ako sa takot ng tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Parang tumatagos sa kaluluwa ko ang titig niyang punong-puno nang panunuya. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa baba saka itinaas yon. Umiiyak ako habang pinipilit tanggalin ang kamay niya. Pero nanatili lamang yon daan kahit anong gawin ko. “Kung may itinatago ka, sabihin mo na bago ko pa malaman. Kilala mo ako, iba akong magalit!” bulyaw nito sa mukha ko. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na yon. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa sobrang takot ko sa kanya. Kung kaya ko pa namang itago ang sikreto ko, pipilitin ko. “W-wala akong itinatago,” kaila ko. Halos mautal –utaL ako pagsasalita. Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng hawak nito sa baba ko. Tila nanggigigil. A M

