A week has passed since the bombing happened. Noong una ay talagang naging maingay ang balita. Maraming galit sa nangyari, lalo na ang mga pamilyang namatayan, at para tumahimik sila ay binigyan sila ng dalawang milyon ng matandang presidente ng Montegracia Empire, pagkatapos ay sinagot din nila ang hospital bills ng mga sugatan na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin.
Dahil sa ginawa ng pamilya Montegracia ay unti-unti na ring tumahimik ang lahat pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iimbestiga ang mga kapulisan.
Nandito ako ngayon sa aking work area. Isang linggo na rin ang lumipas at wala akong natatanggap na mensahe. Siguro ay tahimik muna sila ngayon at hinihintay na makalimutan ng lahat ang nangyari.
Paniguradong alam na rin nila ang nangyari sa kasamahan nila na pinatay namin at nag-iisip sila ngayon ng plano dahil sa hindi mabilang na pagkakataon ay hindi sila nagtagumpay sa pagpatay sa akin.
Si Zachary naman ay nandito pa rin sa bahay ko.
Tahimik lang naman siya na minsan ay parang wala akong kasama rito. Nasa basement pa rin siya nag-s-stay at siyempre ay binigay ko lahat ng mga pangangailangan niya habang nandito sa pamamahay ko.
I bought him a nice bed, new clothes and things that will entertain him.
Pero minsan ay lumalabas siya sa basement para kumuha ng maiinom o makakain sa fridge. Kadalasan ay mapapansin ko na nakasimangot siya habang tinitingnan ang laman ng fridge sa kusina.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakapag-grocery. Ang nasa fridge ko lang ay mga left-over ng kinain namin. I still order food online for us.
Abala ako sa pagtingin ng kakatapos lang na artwork habang may ngiti sa labi nang makarinig ng ingay sa labas. Mga boses na nagsasalita at ingay ng sasakyan ang naririnig ko.
Kunot ang noo na napatayo ako at sumilip sa bintana.
Sa aking harapan ay may dalawang lalaki na labas-pasok sa bakanteng bahay. May dalawang lalaki rin na kinakarga ang mga malalaking kahon papasok sa loob. Hindi ako natuwa sa aking nasaksihan dahil mukhang may kapitbahay na ako rito. Dapat talaga ay binili ko na lang lahat ng kabahayan sa block na ito, eh.
Kausap ngayon ng isang lalaki ang lalaki na kakalabas lang sa bahay matapos ipasok ang kahon sa loob.
Pamilyar sa akin ang kaniyang mukha kahit nasa malayo siya. Tumatawa siya habang nasa magkabilang bulsa ng suot na ripped pants ang dalawang kamay. May sinasabi sa kaniya ang kaniyang kausap at tumatango siya bilang pagsang-ayon. Tinapik niya ang balikat ng kausap at umalis na ito.
Napansin siguro ng lalaki na may nagmamasid sa kaniya at hinanap niya iyon.
Our eyes met when he looked at my direction. Kaagad ko namang sinara ang bintana para hindi siya matitigan ng matagal. Sobrang lakas ng kabog ng puso dahil nagtama ang mga mata namin. I took a deep breath to calm myself.
Binalik ko na lang ang aking atensiyon sa ginagawa.
May pinapagawa sa akin si E na isang customized art na paniguradong idi-display niya sa kaniyang opisina. It was a white mask with a single black tear on its left eye. Simple lang ito pero paniguradong milyon ang kikitain ko kapag natapos na. Malaki kasi ang binabayad sa akin ni E.
Tatlong oras ang lumipas at may narinig akong katok sa pinto. Hahayaan ko sana ito dahil alam ko kung sino ang kumakatok pero palakas nang palakas ang pagkatok niya. Naririnig ko pa na nag-uusap ang dalawa sa labas.
“Wala sigurong tao rito.”
“Hindi. Nakita ko iyong babae na nakasilip sa bintana kanina.”
“Baka multo lang nakita mo?”
“Napakagandang multo naman nang nakita kung ganoon. Atsaka, alam ko na may nakatira rito dahil nakilala ko na siya.”
“Hindi nga? Siya siguro ang dahilan kung bakit gusto mong lumipat dito. Gusto ko na tuloy makita ang tinutukoy mo. Paniguradong mas maganda pa iyon kaysa kay Diana.”
Nagtawanan naman sila pagkatapos.
Mukhang wala silang balak umalis kaya labas sa kalooban na itigil muna ang ginagawa para pagbuksan sila ng pinto. Iyong dalawang lalaki kanina ang bumungad sa akin. Nakangiti sila nang makita ako pero nakasimangot ako.
“What do you want?” Halata sa boses ko ang irita.
“Hi.” Bati sa akin ng isang lalaki na may dalang box na may lamang cake. “Do you remember me?” Malaki ang ngiti ng lalaki. I just stared at him.
“Sino ka ba?” I asked back.
“Maganda nga, Piedro.” The other man complimented me. Bahagyang tinulak niya ang kasamahang lalaki para makaharap ako. “Ako nga pala si Luis. Anong pangalan mo, magandang binibini?”
Tinitingnan ko naman ang nagpakilalang Luis. “Malandi ka.” Puna ko.
Tinulak naman siya ni Piedro dahil nakaharang ang lalaki sa harapan niya. “My name’s Piedro.”
I crossed my arms. “Did I ask?”
“Maganda nga, maldita naman.” Komento ni Luis sa akin.
Si Piedro naman ay ngiting-ngiti pa rin. “Ako iyong bagong kapitbahay mo. Nakatira lang ako doon.” Tinuro pa niya ang bahay niya na nasa harapan lang ng bahay ko. Nilapit naman niya sa akin ang hawak na box. “This is my gift for you.”
Tinitigan ko naman ang inabot niya sa akin. Wala akong balak na kunin ito.
“It’s strawberry cake.” He added, still smiling.
Tinanggap ko kaagad ang box. Paborito ko ang strawberry cake kaya hindi ko ito tatanggihan. “Wala namang lason ito, ano?” Tanong ko habang binubuksan ang box. Natakam ako nang makita ang cake na sobrang sarap tingnan.
“Hindi, ha.” Tanggi naman ni Piedro. “Can I ask for your name?”
“Aril Rose.” Wala naman sigurong masama kung alam niya ang pangalan ko. “Welcome to the neighborhood, Piedro.” Sabi ko pa.
“Tha --.” Magpapasalamat sana siya pero sumingit si Luis. “Aril Rose. Napakaganda ng pangalan mo, bagay na ba --.” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya pa dahil sinara ko na ang pinto sa pagmumukha nila.
Ang ingay-ingay naman ng lalaking iyon.
Bumaba ako sa basement para bigyan ng dinner si Zachary. Sa tray na pinaglagyan ko ng pagkain ay may isang slice ng strawberry cake. Isang slice na lang ang natira dahil naubos ko kanina habang tinatapos ang artwork ko. Naghihintay naman si Zachary sa akin at nang mapansin ang dalang pagkain ay sumimangot siya.
“Hindi ka ba marunong magluto?” Nag-order lang kasi ako kagaya ng nakagawian sa isang fast-food chain online. “Hindi ka ba nauumay na paulit-ulit lang kinakain mo?” Dagdag pa niya.
“Marunong akong magluto. Instant noodles at canned goods nga lang. Atsaka, hotdog at itlog din, boiled, scrambled, or sunny side up. Marunong din akong magsaing pero wala akong oras para doon.” Sagot ko naman. “Bakit mo naitanong? Kakainin mo ba ito o hindi?”
“Do I have a choice?” He asked back and started eating.
Iniwan ko naman siya at kumain na rin sa dining area. Mula rito ay naririnig ko ang ingay sa kabilang bahay kung saan nakatira ang bagong kapitbahay ko. Parang nag-pa-party sila na silang dalawa lang.
I just shook my head. What a headache.
Panibagong araw na naman. Pupunta ako ngayon sa opisina ni E para ibigay sa kaniya ang pinapagawa niya sa akin. Pinatuyo ko ito buong gabi at ngayon ay kukunin ko na ang bayad sa kaniya. Pagkatapos sa opisina ni E ay mag-g-grocery na rin ako.
I already called a taxi and it was already waiting for me outside.
Bitbit ko ang artwork ko at nahihirapan pa ako dahil may kalakihan din ito at hindi ko masiyadong makita ang dinadaanan ko dahil nakaharang sa paningin ko.
Wala rin atang balak tumulong sa akin ang taxi driver. Kainis talaga.
“Let me help you.” Boses ni Piedro ang narinig ko at kukunin sana sa akin ang dala ko pero hindi ko ito binitawan.
“No need. I can manage.” Pagmamatigas ko. Kahit na kailangan ko talaga ng tulong sa oras na ito pero ayokong nanggagaling sa Piedro na ito ang tulong na matatanggap ko. I don’t want him to see me a weakling.
“You need help, Rose. Wala ring balak tumulong ang taxi driver sayo.” Pamimilit pa niya. Lumipad naman ang tingin ko sa taxi driver na kasalukuyang nangungulangot at hindi man lang ako napapansing nahihirapan. Pero ano ang tawag niya sa akin?
“What did you call me?” I asked him. Hindi ko namalayang bitbit na niya pala ang artwork ko.
“Rose. Your name is Aril Rose, right?” Salita naman niya.
Matagal ko na ring hindi naririnig ang pangalang iyon. My father used to call me Rose, lovingly. Iyong puno ng pagmamahal kapag tinatawag ako. And I really don’t want to be called Rose. I prefer Aril. Kagaya ng lahat ng mga kaibigan ko na ang tawag sa akin ay Aril.
“Don’t call me Rose.” Sabi ko na lang. Hindi dahil binigyan niya ako ng cake kahapon at malaya na siyang tawagin ako ng kahit anong gusto niya. “Just call me Aril like others.” I added.
“Anong ginawa mo, Piedro?” Parang kabute na sumulpot naman si Luis. “Bakit galit sayo si Aril? Ang sabi mo ay tutulungan mo lang pero bakit ginalit mo.” Tanong niya. Nakabihis ang lalaki at parang aalis na rin. Si Piedro naman ay naka-pambahay lang.
Nauna na akong maglakad papunta sa taxi at pumasok na sa loob. Nilagay naman ni Piedro ang artwork sa tabi ko. “Thanks.” Malamig ang boses ko nang nagpasalamat at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Hala ka. Nagalit sayo.” Narinig ko pa si Luis na nagsalita bago ko isara ang pinto ng taxi.
Nakarating naman ako sa opisina ni Aria.
Ang building nila ay napapaligiran ng mga tao na may dalang armas. Nakita naman ako ni Kai kaya kinuha niya sa akin ang dala ko at pinabitbit sa mga tauhan nila. Sa labas ay isang commercial building ito pero sa pinakataas na floor ang opisina ni E. Ngayon ay nangunguna kami sa paglalakad ni Kai habang nakasunod ang dalawang lalaki sa aming likuran.
“Nasa opisina ba ngayon si E? Nakalimutan kong ipaalam na pupunta ako ngayon.” Tanong ko kay Kai.
“Abala iyon. Ine-examine kasi nila ngayon iyong blueprint ng ship ni Mr. Roscoe. Pero may oras naman iyon pagdating sayo.” Kai answered.
I nodded my head.
Nang makarating sa opisina ni E ay bumungad din sa akin si Kristiana at Cheren. Magkaharap silang dalawa at sa pagitan nila ang isang mahabang lamesa kung saan nakalapag ang blueprint. Nagsasalita si Kristiana at seryosong nakikinig si E. Si Cheren naman ay nasa likuran ni E at mukhang nakatulog na habang nakatayo. Tinaas ni E ang isang kamay sa tapat ni Kristiana para tumigil muna sa pagsasalita nang makita niya ako.
“Let’s continue our talk later, Kristiana.”
“Sure thing, E.”
Bumalik na si E sa kaniyang upuan at umupo doon. She crossed her legs and eyed me. She put her hands on the table and leaned closer. “What brings you here, Red?”
“Dala ko iyong pinapagawa mo sa akin.” Pinakita ko naman ang customized art para sa kaniya. Sumenyas si E na lumapit ang dalawang lalaki para pagmasdan ng malapitan ang gawa ko. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya dahil may suot siyang maskara.
“It looks great.” Sabi lang niya.
Habang pinagmamasdan niya ang gawa ko ay nilapitan ko naman ang blueprint na nasa lamesa. Si Kristiana naman ay umalis muna rito para makapag-usap kami ni E.
“Pakikuha nga nito, Cheren.” Utos pa niya sa natutulog na sekretarya pero nang marinig ang pangalan ay nagising kaagad at sinunod kaagad ang utos. “You can leave now.” Ang tinutukoy niya ay ang dalawang lalaki na tumulong sa akin.
“Magkano nga iyon, Red?”
“Five hundred thousand.” Sagot ko naman.
Ang tingin ko ay nasa blueprint pa rin. Tama nga ako na ang pasasabugin namin na barko sa susunod na linggo ay ang barko ni Mr. Roscoe. It looked like Kristiana infiltrated the ship, successfully. Nasaulo rin niya ang kabubuan ng barko at ginawan ng ganito. Nakakabilib talaga dahil napaka-detalyado ng pagkakagawa niya. I can’t help but to feel excitement.
E just hummed. Binigay naman niya sa akin ang pera na gagamitin ko ngayon sa pag-go-grocery mamaya. Nag-usap lang kami saglit ni E at umalis na ako sa opisina niya.
Hindi nagtagal ay nandito na ako sa mall at sa market area nila na nasa ground floor. Hila-hila ko ang shopping cart habang hinahanap ang kinakailangan ko sa bahay. Mag-sto-stock ako ngayon sa kusina na aabot hanggang tatlong buwan. Napuno ng instant noodles, canned good and processed foods ang shopping cart ko.
Satisfied, I pushed the shopping cart to the cashier area and paid for them. Ngayon ay apat na naglalakihang paper bags ang hila-hila ko sa shopping cart habang papalabas ng mall at nagtungo kung saan ang mga taxi.
Kaagad naman akong nakasakay ng taxi dahil wala pang masiyadong tao ngayon. Nang makarating sa tinitirhan ko ay isa-isang binaba ko ang paper bags na nilagay sa likod ng taxi. Sa pagkakataong ito ay tinulungan ako ng taxi driver na ilagay ang apat na paper bags hanggang sa pinto ng bahay ko. May kabigatan din kasi ang mga ito.
“Thank you, Kuya.” Nagpasalamat ako sa kaniya at nagbigay ng malaking tip dahil sa pagtulong niya sa akin. Nagpasalamat din siya sa akin at bumalik na sa kaniyang taxi, pagkatapos ay nagmaneho na paalis.
Hindi ko naman kaya na ipasok ang apat ng sabay kaya isa-isa ko itong binitbit papunta sa kitchen counter sa kusina ko. Nasa pangatlong paper bag na ako nang lumabas si Piedro sa bahay niya at nakita ko.
“Do you need help?” Sumigaw siya ng kaunti para marinig ko dahil may kalayuan ang bahay niya sa akin.
“No.” Sagot ko naman. Pero hindi ata siya marunong makinig dahil tumawid pa rin siya para lapitan ako at tulungan. “Hindi ko nga kailangan ng tulong mo.” Bakit ba matulungin ang lalaking ito? Unang araw pa lang namin na naging kapitbahay pero para sa kaniya ay magkilala na kami ng ilang taon. Nakakainis lang.
“Pinapawisan ka na, oh.”
I rolled my eyes.
“Hindi ko nga kailangan ang tulong mo.” Pag-uulit ko pa nang inagaw na naman niya sa akin ang dalang paper bag pero hindi ko hahayaan na makuha niya ito sa akin kaya niyakap ko ito ng napakahigpit. “Ano ba?” Pilit niyang inaagaw sa akin ang hawak ko kahit halata talagang ayokong bitawan.
Irritated, I let out a defeated sigh and gave in. “Kunin mo na lang iyang pang-huling paper bag sa sahig.” Hindi kami matatapos dahil papayag talaga ako na buong araw namin itong gagawin ang pag-aagawan namin sa dala ko. Kung hindi lang talaga ako pagod sa lakad ko ngayong araw ay sinipa ko na ang lalaking ito.
Ngiting-ngiti naman siya na parang nanalo ng lotto nang kinuha ang pang-apat na paper bag at pumasok na rin sa bahay ko. Pinasunod ko siya hanggang sa kusina at inutusan na ilagay ang dala niya sa kitchen counter.
He scanned the room.
“Wala kang makikitang kakaiba rito.” Sabi ko naman. Bumalik ang tingin niya sa akin. “Sasamahan na kita paglabas. Baka kung hahayaan kita ay kung saan ka pa magpunta rito sa bahay.” Dagdag ko pa.
“Hindi ako magnanakaw.”
“Sinabi ko ba na magnanakaw ka?” Tumaas ang isang kilay ko nang humarap na sa kaniya.
“Sa gwapo kong ito pagkakamalan mo akong magnanakaw?” He spoke.
Tinitigan ko pa siya lalo. “You’re not that handsome.”
“Hindi nga? Baka niloloko mo lang sarili mo.” Nanlolokong tanong niya.
I rolled my eyes again. “Ang ingay mo.” Hinatid ko naman siya papunta sa labas. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil baka makita siya ni Zachary.
“Salamat.” Labag sa kalooban na pinasalamatan ko siya, sa pamimilit niya na tulungan ako.
Ngumiti lang ulit siya.
Dahil malapit kami sa isa’t isa ay napatitig ako sa dimple niya. “Huwag kang masiyadong tumitig. Baka mahulog ka sa akin lalo.”
“Shut up.” Napakadaldal ng lalaking ito.
Pero nararamdaman ko na umiinit ang pisngi ko. Mainit kasi rito sa labas. I need to go inside and take a bath because I also feel sticky.
Sinara ko na rin ang pinto pagkatapos. Bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko hahayaan na mas maging malapit pa sa akin ang Piedro na iyon.