Chapter 24 “Ma! Alis na po ako!” paalam ni Aliah. Kasalukuyan itong nag-aayos ng mga paninda nito sa gilid ng bahay nila. Naisipan kasi nitong ituloy na lang ang sari-sari store nila noon. Sumang-ayon naman siya dahil mas maige na ‘yon kaysa sa maglalaba siya. “Sige, anak. Mag-iingat ka.” Hindi na siya sumagot pa rito at naglakad na palabas sa may kanto nila. Hindi muna niya ginamit ang bike niya dahil susunduin daw siya sa bayan ni Krish. Suot niya rin ngayon ang binili nito sa kanyang shirt dress na kulay off-white. Binagayan niya iyon ng puting sneakers. Hinayaan niya lang din na nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Nakasukbit sa kanyang likod ang maliit na backpack na palagi niyang ginagamit. Hindi siya nito pinapasok ngayon dahil sa nagpapatulong itong mag-impake ng mga gamit n

