Chapter 13 “Ahh! Bastos!” mabilis na tumalikod si Aliah nang makita niya ang hubad na katawan ni Krish. “Bastos! Bastos!” Agad namang kinuha ni Krish ang tuwalya sa kanyang balikat at itinakip sa kanyang katawan. “What are you doing here?!” gulat na tanong niya rito. “Bastos! Manyak!” Tinakpan niya ang kanyang mukha at panay ang iling. Hindi mawala sa kanyang isip ang katawan ng binata. “My virgin eyes! Hindi na virgin!” “Hey! Stop it!” Nilapitan ni Krish si Aliah nang maayos na niya tuwalya sa kanyang baywang. Hinawakan niya ito sa balikat. Nakaramdam ng kuryente si Aliah nang maramdaman ang malamig na kamay ni Krish sa kanyang balikat. Agad niya iyong iwinaksi at hinaharap habang nakapikit pa rin ang mata. “Ahh! r**e!” “Stop it! Anong r**e?!” Unti-unting minulat ni Aliah ang

