Chapter 28 Alas-kwatro pa lamang ay naghanda na si Ananya para sa pagkikita nila ng anak niya at ng bagong nobyo nito. Sabi nito sa tawag ay alas-sais magkita sila sa isang restaurant sa bayan. Habang wala pang nabili sa kanilang tindahan ay naligo na siya at nag-asikaso ng sarili. Alas-singko at nagsara na siya ng tindahan nila at pagpatak ng five-thirty ay lumakad na siya patungo sa pagkikitaan nila. Totoong hindi siya nagagalit at nagkaroon na ito ng kasintahan. Ang gusto lamang niya ay makilala kung sino man iyon para makilatis niya ito. Matanda na ang anak niya para pigilan niya ito sa nararamdaman niya. May sarili na itong isip at mayroon siyang tiwala rito. Alam niyang lapitin ng lalaki ang anak niya dahil may angkin itong kagandahan, pero ni minsan ay wala itong ipinakilala s

