Kimberly’s POV Six Months Later… Tanggap ko ang pagkawala ng aking mga magulang at ng aking anak. Nakiusap rin ako kay Lander na ilipat ko katabi ng aking mga magulang ang puntod ng aking anak. Mabilis naman itong pumayag. Napagawaan ko na rin sila ng museleo, araw-araw ko rin silang dinadaanan bago ako dadalaw sa ospital at bago ako tumao sa aming tindahan. “Good morning, nay/ tay… good morning baby ko?” Masigla kong bati sa kanila. Inilapag ko ang binili kong bulaklak kahapon sa palengke. May dala akong basahan. Araw-araw kong nililinis ang lapida nila. Ayoko ng marurumihan iyon. Binuksan ko ang bintana. Para pumasok ang hangin. Ginastusan ko talaga ang kanilang museleo dahil pakiramdam ko ito ang naging tahanan nila. Hindi pa naman siguro ako nasisiraan ng ulo, pero mas payapa ako

