Kimberly’s POV “SA BAHAY NA tayo kakain.” Parang natutuliling na ang tenga ko sa panay bangayan ng dalawa. “Ayan Susan napikon na sayo si Ma’am Kimberly!” Paninisi ni April. “Anong ako? Ikaw niya diyan?” digang paninisi nito. “Hala bakit ak—” “Tigil na... Sa bahay na ho tayo,” nauubos ang pasensya ko sa dalawa. Ang kaninang parang nasa perya kami biglang tumahimik. Kaya pumikit ako. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Mabilis akong bumaba. Walang lingon likod akong pumasok kahit hindi dinig ko ang sisihan pa nilang dalawa. Pabagsak akong huminga sa kama. Patang-pata ang katawan ko. Hindi na ako naka pagpalit ng damit dahil parang bumigat ang talukap ng aking mga mata. At hinihila ang diwa kong matulog… “Kim!” Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tawag sa aking pangalan.

