Kimberly’s POV NAKATINGIN ako sa painting ni Miguel masaya na malungkot ako. Looking at my unborn daughter it feels like my heart was ripped out from my chest. Sobrang sakit. “She’s Amberly,” mahinang sabi ko. I was happy a while ago, pero ngayon, sinalakay ako ng lungkot at pangungulila. Niyakap ako ni William sa gilid niya. “I miss her so much,” naiiyak kong sabi. “I miss her so much, too baby.” Magkayakap kaming tatlo. Nakatingin pa rin kami sa painting. “I love her name. Thank you, baby.” Ani niya. He placed a kiss on my head. Pinagpantay ko ang aking mukha kay Miguel. Sinapo ko iyon. Naawa ako sa kanya. Dahil wala siyang kalaro. Siguro natatakot din siyang lumabas dahil sa hitsura niya. “Thank you, anak for painting our family. I love it so much!” hinalikan ko siya sa noo. Niyak

