"Ate Saab! Bakit linagay mo kaagad yung noodles?!" "Eh sabi mo pakuluan ko na eh!" Natawa pareho si Maxx at Julie ng makita na nagbabangayan si Elmo at Saab habang linuluto nila ang pasta para sa noche buena. Si Julie at Maxx naman ay busy lutuin ang chicken na kakainin din nila mamaya. "Mayayari yung pasta eh!" "Oh edi ikaw mag-luto! Buset na toh!" Padabog na umupo si Saab sa table habang pinatuloy ni Elmo ang pagluluto sa may kabilang side pa ng kitchen. "Para kayo talaga aso't pusa..." Natatawang sabi ni Julie habang naghihiwa ng sibuyas. "Paano magkasunod lang ang age." Sagot naman ni Maxx. "Napakagaling kasi niyan ni chef Elmo... Hmmpf." Pagmamaktol ni Saab at nagsalumbaba pa sa may kitchen table. "Ayan nayari nga yung noodles!" Biglang sabi ni Elmo. "Ate Maxx pigilan mo ako

