2 Weeks

1881 Words
Kanina pa tawag ng tawag si Elmo kay Julie. Nakailang text na siya dito pero hindi pa rin siya nasasagot. Lagi naman kasi ito ganoon. "Tsk, Tantz naman!" Inis niyang sabi. Muntik na niya mahagis ang phone niya habang nakaupo siya sa may desk. Sakto namang pasok ng secretary niya sa loob na may dalang isang cup ng kape. "Okay lang po ba kayo sir?" Tanong ni Marie. Naalala nanaman tuloy ni Elmo ang kasintahan, bakit ba kasi kapangalan ng sekretarya niya si tita Marie. "Okay lang Marie, sige pakilapag na lang dyan yung kape." Nakacross arms siya at nakasimangot kaya hindi naiwasan ni Marie ang mapatanong nanaman. "Sure po kayo sir? E hindi mo maipinta yang muhka niyo." Bukod kasi sa pagiging sekretarya, kaibigan na din ni Elmo ito si Marie, parang sister kumbaga. Elmo clicked his tongue yet again. "Si Julie kasi, kanina pa ako text ng text hindi man lang ako mareplyan tapos ngayon na tinatawagan ko di naman sumasagot." "Eh kasi sir nasa trabaho po diba? Baka busy..." "Tss, ano naman yung icheck niya phone niya diba?" Pagkasabi niya non ay natawa na si Marie ng tuluyan. Tiningnan lang ni Elmo ang sekretarya as if nagtatanong. Ng mahimasmasan ay nagsalita na ulit si Marie. "Grabe sir, hindi ko po aakalain na ganyan po kayong tipo ng boyfriend." "Tipo?" Takang tanong ni Elmo. "Opo sir." Sagot ni Marie. "Yun bang maya maya nagtetext sa girlfriend. Akala ko nga po non na allergic kayo sa babae kaya nung naging kayo ni Mam Julie hindi ko inexpect na clingy ka..." "Hindi ako clingy ah..." Pagdepensa ni Elmo. Marie shrugged. "Sabi niyo sir eh. Pero hintayin niyo na lang po text ni Mam Julie. Baka lang hindi hawak ang telepono." With a last smile she exited Elmo's office leaving the man to his thoughts. That same moment, his phone started lighting uo on his wooden desk. At parang batang nakikipagagawan sa paagaw sa birthday party niyang kinuha ang phone ng makita na contact photo ni Julie ang bumungad sa kanya. "Tantz?" "Ui Tantz, I'm sorry ngayon lang ako nakatawag. Busy kami kanina sa recording eh..." Julie said. "Okay lang...tuloy pa ba tayo sa dinner?" "Uhm... Tantz, I'm sorry I think I have to cancel baka late na kasi itong pagrecord namin..." Napabuntong hininga naman si Elmo. "Okay okay, text mo na lang ako, sunduin na lang kita dyan ha?" "What? Hindi, papahatid na lang ako--" "Hindi. Susunduin kita..." "Tantz..." "Basta... Sige na, balik na sa work para matapos niyo iyan... Bye, love you." Defeated, sumagot na lang din si Julie. "Okay sige, bye, love you too..." CLICK. Binaba ni Elmo ang telepono at hindi mapigilang mapahilamos sa muhka. Ano ba itong ginagawa mo sa akin Julie Anne. Ngunit bumabalik nanaman ang ngiti niya kapag naiimagine ang naasar na itsura nito kanina habang kausap niya sa telepono. Pero hindi siya magpapatalo no, sino naman maghahatid kay Julie if ever? Si Alden? No way. Makapagtrabaho na nga lang. Haharapin na sana niya ang computer ng tumunog ulit ang telepono. =============== Malamig na ang simoy ng hangin. Maliban sa May, dahil birthday month niya iyon, paborito ni Julie ang December dahil siyempre pasko pero ngayon lang ulit siya magpapasko sa Pinas. Nung nasa NY kasi siya yung mom niya at si Bianca ang bibisita sa kanya doon. "Guys isa pa, saka John, yung drums medyo sloppy." Salita ni Julie sa mic para marinig siya ng banda na nasa kabilang side ng studio room. Tumango naman ang drummer na nagngangalang John bago rinecord ulit nila. "Dagdagan kaya natin ng piano intro?" Tanong sa kanya ni Alden. Tumutunog sa utak niya ang sinabi ni Alden at maliit naman siyang napangiti at tumango dito. "That sounds good." Pinatigil nanaman nila ang banda. Hindi bale na mainis itong mga ito basta matapos na nila yung album. Baka magalboroto kasi yung boyfriend niya kapag masyado matagal. "They're sounding great huh?" Tanong ni Alden. Julie nodded her head. She was so thankful na kahit she turned him down, friendly pa rin si Alden, kumbaga no hard feelings. "Den kung okay lang tapusin na natin ito kaagad? Para makauwi na din tayo..." Mahinang natawa si Alden at tumango. "I get it, si Elmo hinihintay ka?" Julie blushed but nonetheless nodded her head. Eh sa totoo naman na susunduin talaga siya ng boyfriend niya at ayaw pumayag na magpahatid siya sa iba. "Grabe, talo na rin talaga ako sa simula no?" Sabi ni Alden. Tiningnan siya ni Julie at napatango na lang. "Again Alden, I'm s--" "No, you don't have to apologize..." Alden smiled. "I mean, buti nga sinabi mo na kaagad sa akin eh." He looked away yet, turning back to the band inside the booth. Nanahimik na din si Julie, mas okay na na iwan na nilang ganun ang mga pangyayari at isipin na lang ang ginagawang album. Derederetso na lang ang proseso, focus na focus na si Julie at Alden sa kanilang ginagawa hangga't sa wakas ay matapos nila ang album. "We're done guys! Congratulations!" Julie greeted the band. Masayang nginitian ng mga miyembro ng banda ang dalawang producer at nakipagkamay sa kanila. Habang kinakausap ni Alden ang members, kaagad na tiningnan ni Julie ang telepono at nakitang 9:30 na ng gabi. Patay kang bata ka. Binunot niya ang phone na nasa loob ng bag at nakitang kanina pa siya tinatawagan ni Elmo. Nako naman. May mga message din ito sa kanya. "Tantz nandito na ako sa may lobby..." That message was 30 minutes ago. s**t. Napaangat siya ngbulo at napatingin kay Alden na siya namang naramdaman ang intensity ng paggalaw niya. "Jules is everything alright?" Alden asked. "Den, I have to go, I'm sorry kayo ma bahala mag wrap up dito... Bye!" Naiwan amg pagtawag ni Alden sa kanya sapagkat nakalabas na siya ng kwarto at dali daling bumaba gamit ang elevators Pagkabukas na pagkabukas ng mga pinto ay agad siyang lumabas papunta sa lobby. At ayun, nakita nga niya si Elmo na nakapwesto sa may sofa... at tulog na tulog. Napabuntong hininga na lamang si Julie at dahan dahang linapitan ang kasintahan. Grabe hinintay talaga siya nito. Silang dalawa na lamang ang nasa lobby. Gabi na kaya wala na din ang receptionist. Tanging ang security gaurd na lamang ang kasama nila doon. Pinagmasdan niya si Elmo habang mahimbing na natutulog. Ang gwapo talaga nito. She smiled at dahan dahang tinapik ang braso nito. "Tantz..." Wala pa ring sagot. Linakasan niya ang pagtapik. "Tantz..." "Mmm..." "Tantz, wake up na."  Onti onti namang bumukas ang mata ni Elmo. He was still bleary and a little unaware of his surroundings hangga't sa nakita niya si Julie. "Tantz..." He muttered. "Tapos na recording niyo?" Julie smiled softly at him. Muhka kasing pagod na pagod ito. "Yeah. Katatapos lang, I'm sorry naghintay ka. Let's go home?" Marahang tumango si Elmo sabay tumayo kasama si Julie. "Tara, nagdinner ka na ba?" "Uhm, hindi pa..." Julie said uneasily. Ayaw kasi ni Elmo na nagskiskip siya ng meals. Kaso nakaligtaan lang niya talaga sa sobrang busy. Hindi nga siya nagkakamali dahil nakita niyang napasimangot ito bago bumuntong hininga. "Tantz... Hindi man lang kayo nagpadeliver?" "Nakalimutan namin eh. Okay lang Tantz, sige mag take out na lang tayo tapos saluhan mo na lang ako mamaya okay?" Paglalambing niya. She held on to his arm and smiled sweetly. "Okay sige sige tara." Elmo relented. Lagi naman ito taob basta ba bigyan siya ng ngiti ni Julie Anne eh. He held her hand tightly in his before walking out of the building, not forgetting to say goodbye to the gaurd by saluting. Inalalayan na niya si Julie pumasok sa loob ng sasakyan bago siya nagsimula mag drive at dumeretso sa drive thru ng isang fastfood chain. ============== Pareho silang pagod. Halata naman sa galaw nila pero muhkang mas pagod si Julie. Halos hindi na nga nito mabuksan ang mata ng paakyat sila sa penthouse. She was just leaning on Elmo but trying not to sleep. At halos buhatin na nga ni Elmo ito paloob dahil sobrang jelly legs na din siya. "Tantz, gising ka pa ba?" He asked. Tumingin naman sa kanya si Julie at tumango. "Yup Tantz, pero feeling ko malapit na din ako makatulog." Elmo chuckled. Ang cute kasi nito. Pero at the same time nadadala siya sa mapupungay nitong mga mata. Haay Tantz, the things you do to me..." "Tara na...wash up na tayo tapos tulog na din." Simula ng maging sila, pareho na silang natutulog sa kwarto ni Julie, though they haven't taken things to the next level yet. A little teasing here and there but nothing all the way yet. Mas gusto nilang dalawa na special eh. Nauna na mag linis ng katawan si Elmo dahil aminado si Julie na siyam siyam siya kung gumalaw lalo na sa loob ng banyo. Nakahiga na si Elmo sa kama, wearing nothing but his boxer shorts habang tumitingin ng emails at messages sa kanyang phone ng narinig niyang bumukas ang bathroom door. Shet naman. Torture. Yun lang ang masasabi niya. Paano ba naman napili ni Julie na magsuot ng isang black na negligee. Kitang kita nanaman niya ang hubog ng katawan nito at ang legs that seemed to go on forever. Hinga malalim Elmo. Hold your breath for a minute, gumagana daw yan eh... "Grabe pagod na pagod na talaga ako." Sabi ni Julie bago ito umakyat sa kama at nahiga sa tabi ni Elmo. Automatic namabln na umakbay ang isang braso ni Elmo at hinayaang makahiga sa dibdib niya si Julie. "Hindi man lang ba kayo magbabakasyon? Sunod sunod ang album na ginagawa ninyo ah." He said, moving closer and nuzzling Julie's hair. Favorite niya gawin yun, napalambot kasi ng buhok ni Julie at ang bango bango lagi. "May balak daw sila na christmas outing eh kaya siguro makakapagpahinga din naman kami." Sagot ni Julie. Papikit na ang mata nito. Agad naman nagsalita si Elmo."Uhm Tantz?" "Hmm???" "Kinausap ako ni kuya kanina..." "Mm... Ano sabi niya? Buntis si Maq?" Wala sa sariling tanong ni Julie. Marahang natawa naman si Elmo. Muhkang onti na lang K.O. na ito. "Uh no. Pero uhm, may bago kaming project eh." "Really? That' s great. Ano naman yun?" Pahina na ng pahina ang boses ni Julie. "Sa Ilocos siya..." Medyo bumukas naman ang mata ni Julie. "Ilocos? Ang layo naman..." "Yes and uhm... 1 week kami doon." Tuluyan na napabangon si Julie. "Ha? 1 week? Ang tagal naman non. Kelan na daw yan?" Aba siyempre mamimiss niya si Elmo no. "Next week..." Sagot ni Elmo sa totoo lang ayaw niya din. Cheesy na kung cheesy pero kalahating araw nga lang na hindi niya makita si Julie namimiss na niya ito eh. Napakagat labi naman si Julie. "Yung Christmas outing naman namin next next week... One week din yun." Hindi sila magpapangabot. In short... Elmo frowne as he looked at his girlfriend. "Meaning... 2 weeks tayo hindi magkikita?" ============== AN: Ohhhh.. Patatagan ito friends. 2 weeks yun! Hahaha! Salamat po sa lahat ng bumoboto, nagcocomment at nagbabasa! Hindi naman po boring mga chap? Hindi rin po ba cheesy? Mahilig kasi kami ng tito ko sa cheese saka wine, in fact im eating cheese and drinking wine right now, kaya cheesy hahahahaha okay stop na ako :P Thanks po ulit! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD