Let The Games Begin

1853 Words
Yung feeling na ang sarap ng tulog mo dahil pagod ka nung nakaraang araw? Kakaiba. Napapangiti si Julie habang tulog. Muhkang maaga pa naman eh kaya mas diniin pa niya sarili sa kama niya at hinigpitan ang yakap sa unan. Pero teka, parang iba, bakit ganun? Kelan nagkaroon ng muscles ang unan niya? Napakapa kapa pa siya saglit tapos narinig niyang tumunog ang elevator bell-- elevator bell?! Doon na tuluyang bumukas ang mga mata niya at bumungad sa kanya ang gwapong muhka ni Elmo Magalona. 'Sh*t magkatabi kami natulog?' And if that wasn't enough, humigpit bigla ang hawak sa kanya ni Elmo dahilan para mapasinghap siya. "OHEMGEE!!!" Napabalikwas si Julie sa sigaw at saka naman nagising si Elmo. Napatingin silang dalawa sa may paanan ng sofa at nakitang nakatitig sa kanila si Ate Saab. Bukas ang bibig nito pero unti unting napapangiti. "A-ate!" Julie stuttered but stopped kasi hindi niya alam ang sasabihin niya. Napaupo din si Elmo at napansin ni Julie na mahigpit pa rin ang hawak nito sa bewang niya. "Ate Saab! Anong ginagawa mo dito umagang umaga??" Tanong ni Elmo. At dahil na rin sa hiya, kusa na lumayo si Julie at pinabitaw si Elmo. "Eh sa kanina pa ako tawag ng tawag sa phones niyo both." Pagdadahilan ni Ate Saab at nginitian ang dalawa. "Muhkang masyado kayo pre-occupied kaya hindi nasasagot." Nagkatinginan si Julie at Elmo. Kahit ba lumayo kaunti si Julie eh nasa iisang sofa bed pa rin silang dalawa. "Ate Saab it's not what it looks like!" Julie said in a panicked voice. Lumaki lang lalo ngiti ni Saab at naglakad paderetso sa kusina. Sumunod naman si Elmo at Julie na parehong parang hinahabol ng isang libong kabayo ang mga puso. "Alam niyo guys, normal lang yan, basta ba gumamit kayo ng proteksyon--" "Ate!" "O bakit?" Saab said nonchalantly habang nakatingin kay Elmo na bigla bigla na lang napapasigaw. "We didn't do 'that' alright?" sabi ni Elmo habang si Julie ay parang gusto magkaroon ng transportation powers. Saab shook her head, a small smile on her face. Muhkang di pa rin siya convinced. "Anyways, si Julie talaga kasi ang pakay ko dito." She said after pouring herself a glass of milk. "Ako ate? Why?" Tanong ni Julie habang tinuturo ang sarili. Nakatayo pa rin silang dalawa ni Elmo habang si Saab naman ay prenteng naka upo na sa stool at iniinom ang gatas sa may counter. "I wanted to talk about our band's songs, nakakaexcite lang na ikaw pa talaga ang magiging producer." Napatingin si Elmo kay Julie. "You're working with ate Saab?" Julie smiled sheepishly. "Sorry, must've forgot to mention it to you." "Anyways!" Singit ulit ni Saab. "Gusto ko sana iparinig sayo yung isang song. Hindi ako makapaghintay kaya dito na ako dumeretso. Nakausap ko na din yung isa pang producer, Alden Richards?" Elmo snapped his head over to Julie. "Magkasama kayo ni Richards dito?" "Of course, co-producer ko siya..." Sagot naman ni Julie na medyo nalilito, muhka kasing naasar si Elmo. Saab stayed quiet for a moment pero nagsalita ulit. "So, ayun nga nakau--" "Sasama ako sa inyo mamaya." "What?" Sabay na napatingin si Julie at Saab sa lalaking Magalona na nasa kwarto. "May trabaho ka today diba?" Pagdiin ni Julie. "Whole day yung recording namin na iyon." Elmo simply shrugged his shoulders. "Wala ako paki, sasama ako." "Elmo, COO ka..." Saab started but Elmo cut her off. "Exactly, I'm the COO and I'm giving myself the day off to watch my sister record her album." Umalis na ito sa may kusina with finality in his tone. Nagkatinginan si Julie at Saab. "Ganyan ba talaga ka stubborn yan si Elmo?" Tanong ni Julie. Natawa si Saab. "Tame pa yan ng lagay na yan. Di ko lang akalain na possessive pala ang little bro ko." "Possessive?" Pagtataka ni Julie. Saab stood up and patted the younger one's cheek. "Yep, possessive sayo. Kaya tara, maligo ka muna tapos pagusapan natin ang songs namin. =============== "Good morning Jules! Saab! and... Elmo?" Ayun ang bungad sa kanila ni Maqui pagpasok nila sa JAM records building. Paano ba naman, hindi niya ineexpect na nandyan si Elmo. "Bakit nandito ka?" Tanong ni Maqui kay Elmo habang nakatayo sila sa gitna ng lobby. "Kasama ka rin sa banda ni Saab?" Tumawa naman si Saab. "Oo, number one fan kasi yan nung isang producer..." "Ate..." Julie whined at nahihiyang tiningnan si Elmo pero nagsmirk lang ito sa kanya. 'Ugh, ewan ko sayo Magalona.' Magkakasama silang apat paakyat sa floor na puro studios. Sinabi naman sa kanila ni Saab na pasunod na ang kanyang mga ka-miyembro. Pumasok naman sila sa isang studio room at kinuha naman ni Maqui ang chance para makausap ang best friend sa labas. "Wala bang trabaho ngayon yan si Magalona?" Tanong niya. Napahinga naman ng malalim si Julie at tiningnan ang best friend. "Ayun nga bes eh. Hindi siya pumasok. Mokong talaga na yan." "Ha? Bakit? Ganun ka niya kamiss?" "Sira hindi, gusto niya siguro manood kay Ate Saab." Natawa naman si Maqui at napatingin si Julie sa best friend. Nasisiraan na banito ng bait? "Hoy Farr, anong tinatawa mo diyan?" Pinipigil pa rin ang tawang sumagot si Maqui. "Ewan ko sayo bes, di mo ba gets na ikaw ang gusto panuorin ni Elmo at hindi ang ate niya?" "H-ha?" "Haay nako, tama nga sabi nila na kapag matalino sa academics, tanga sa love." Gusto pa sana sumagot ni Julie kaso pumasok na din si Maqui sa loob. Naiwan sa labas si Julie, napapaisip sa sinabi mg best friend ng may papalapit na tinawag siya. "Julie!" Nagangat siya ng tingin at nakitang nakangiti sa kanya si Alden, labas lahat ng dimples. "Good morning Alden." Bati ni Julie. "Tara na sa loob?" Excited na ako sa WindRise eh." Sabi ni Alden. ============== Kung pwede lang mag cause ng epilepsy ang pagtingin, kanina pa nangisay sa sahig si Alden. Nakaupo si Elmo sa may couch sa may mixer banda habang nasa loob naman ang kapatid niya, si Maqui, si Julie at si Alden. Paano ba naman, di niya malaman kung bakit basta nasabi na lang niya na sasama siya sa recording ng marinig na katrabaho si Alden. Araw araw na nga kasama sa iisang cubicle si Julie pati ba naman sa recording. Maya maya naman nagsipasok ang ibang miyembro ng banda ng ate niya at dumeretso rin sa loob. Mamaya may pumasok ulit na isang lalaki. Tumigil saglit ito at tiningnan si Elmo. Tumango naman siya bilang pagbati. "Kapatid ka ni Saab? Magkamuhka kayo eh." Nakangiting sabi nito. "Ah, oo, Elmo Magalona." Pagpapakilala niya sa sarili habang linalahad ang kamay sa lalaki. "Derrick, Derrick Monasterio, sound engineer." Ngumiti ulit ito bago pumwesto sa harap ng mixer. Sakto naman na napaharap si Julie ng pumasok si Derrick. Ngumiti ito bago lumabas ng booth at hinarap si Derrick. "Der! Ready na tayo?" Sabi ni Julie at the same time lumabas si Alden at Maqui. "Just say the word captain!" Pagsaludo ni Derrick. Humarap naman si Julie kay Elmo. "Tantz, okay ka lang diyan?" "Yup, carry on." Simpleng sagot ni Elmo. Nagsimula magusap usap sila Maqui, Alden at Julie sa may mixer bago nag go signal kayla Saab at sa banda nito na nakaready na sa loob. Pinanuod ni Elmo si Julie habang nagtatrabaho. Sobrang seryoso nito at halatang passionate sa craft. Possible bang araw araw ma in-love? "Okay sige, break muna tayo." Announce ni Alden sa mic. Humarap naman ito kay Julie. "Bibili lang ako ng kape natin ah." "Ah sige sige. After 10 minutes start na ulit tayo?" Sagot naman ni Julie. Tumango naman si Alden bago dumerederetso na palabas, di man lang nito pinansin si Elmo. Si Maqui pumasok ulit sa loob at kinausap ang band. "Tantz, sure ka na okay ka lang diyan? Gusto mo ba kausapin si Ate?" Napapitlag naman si Elmo ng marealize na kinakausap pala siya ni Julie. Nginitian naman niya ito at umiling. "Nope, I'm alright." Tumigil siya saglit bago harapin ulit si Julie. "Kakaiba pumick up yang tenga mo sa music no?" Natawa naman si Julie. "Dapat lang, halos mamatay ako sa pagaaral doon sa States." Nginitian niya ulit si Elmo bago lumabas saglit para mag CR. "Lakas tama sa girlfriend pare ah." Napatingin si Elmo sa nagsalita at nakitang nakangisi sa kanya si Derrick. Nakangiting napailing siya. "Hindi ko girlfriend si Julie..." "Talaga?" Gulat na sabi ni Derrick. "Kala ko kayo, may tawagan pa nga kayo." Elmo smirked. "Well, di ko pa siya girlfriend." "Ayun, kaso bilisan mo dude, iba din makatingin si Alden eh." Tumango si Elmo. Alam niya iyon. Let the games begin. =============== "Guys, after 10 minutes daw tapos larga na ult tayo." Pagpapaalam ni Saab sa mga ka-miyembro. Sabay pagharap naman niya kay Maqui ng may malaking ngiti. "Huy Saab, humithit ka kanina no?" Natatawang sabi ni Maqui ng makita ang kaibigan na ganoon ang itsura. Umiling si Saab at kinikilig na linapitan si Maqui. "Maq!" "Ano ano? Spit it out Saab!" Natatawang sabi rin ni Maqui. Hinila siya ni Saab paupo sa mga couch na medyo malayo sa ibang kabanda nila. "Eh kasi Maq, pumunta ako sa Jacinthe Emys kanina..." "Tapos? tapos?" Excited na sabi ni Maqui. Parang alam na din niya sasabihin ng kaibigan. "Eeeeeh!" Naglabas muna ng kilig si Saab. Huminga siya ng malalim at humahagikhik na nagsalita. "Pagpasok ko ba naman, nakita ko ang dalawang loko na natutulog sa sofa bed!" "Wait a minute..." Kinikilig na sabi ni Maqui. "Natutulog as in magkatabi?" "Oo friend!!! Muhkang ayaw pa pakawalan ni Elmo ang best friend mo!" "Kyaaaaaa!" "Psst hoy!! Ano problema niyong dalawa dyan?!" Pabirong pagsaway ni Ben, bahista nila Saab. "Tsupi Ben! Kinikilig pa kami dito eh!" Saab exclaimed. "Ah ewan ko sa inyo!" Natatawang lumayo na din si Ben. "Girl sana talaga sila na magkatuluyan no?" Nakangiting sabi ni Saab. Tumango naman si Maqui. Aba siyempre, it's about time din na magka love life na ang best friend niya no! Pero saglit na natigilan si Maqui. "Hmm, kaso Saab..." "O, bakit?" Sakto, mula sa booth, nakita nilang pumasok sa loob ng room si Alden na dala dala ang mga kape nila. =============== "Ah Alden, ako na magdadala sa loob." Sabi ni Derrick. Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Alden at kinuha na ang mga kape bago dumiretso sa loob. Naiwan sa labas banda si Elmo at si Alden at parang may kidlat lang na namamagitan sa mata nila. "Richards..." "Magalona..." Pagbati nila sa isa't isa. Ngumisi si Alden kay Elmo. "Hmm, nasolo mo si Julie kahapon sa lunch pero hindi ko yon hahayaan ngayon." "Sino naman may sabi na may magagawa ka?" Ganti ni Elmo. Nakatayo na siya sa sofa at magkaharap na sila ngayon. Pareho lang sila ng height kaya pantay na pantay ang pagtinginan nila. "Sa akin siya sasama mag lunch ngayon." Elmo said darkly. "Mali ka pare..." Balik ngisi ni Alden. Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Julie. Natgilan ang magandang babae ng makita ang pwesto ni Alden at Elmo. Laking gulat naman niya ng... "Tantz! have lunch with me!" "Jules lunch tayo!!" Ano ba naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD