Chance

1832 Words
"Bes bes! Mashed na yung potato hindi mo na kailangan dagdagan pa yan!" Ay oo nga naman. Tumigil naman si Julie sa paglamog sa lamog na ngang patatas. For once hindi sila nagrestaurant for lunch at napagdesisyunan na sa KFC kumain. "Anyare at bakit parang gusto mo pumatay ng patatas?" Tanong ni Maqui bago sumubo ng mataba na fries ng KFC. "Naiinis kasi ako kay Elmo eh!" Pasumbong na sabi ni Julie. "O ano naman ginawa ni Magalona ngayon?" Natatawang sabi ni Maqui. Hindi na natapos. "Ang kapal kasi ng muhka na sigawan ako kagabi." Julie started. "Kung makaasta akala mo boyfriend ko." "Bakit, hindi pa ba?" "Hindi! May binalita ba ako sayo na sinagot ko na?" Iritang sabi ni Julie pero kahit ganito nginitian lang siya ni Maqui. Julie huffed and sat back down in her chair. Parang ayaw na tuloy niya kumain. "Haay nako bebe girl, kiligin ka na lang kasi..." "Kiligin? Baka mainis Maq!" Maqui rolled her eyes. May pagka slow din kasi itong best friend niya when it comes to matters of the heart. "Gagetch, kiligin ka kasi may Elmo Magalona na possessive sayo!" Saglit na napaisip si Julie at bumabalik naman ang famous pagkunot noo niya. Pero maya maya ay nagsoften ang features niya at tiningnan niya ulit ang kanyang best friend. "Pero Maq bakit ganon?" "Ang alin?" For the first time sa lunch date nila na iyon sumeryoso si Maqui. "Eh kasi..." "Wag na pabitin bes..." Julie composed herself first. Mahirap ng may masabing iba lalo na kay Maqui na parang dictionary at lahat na lang ay may meaning. "Eh kasi diba naglunch kami ni Alden kahapon?" "O, what about it?" "Well, he was so sweet and caring the whole time pero..." "Pero wala?" Tumingin si Julie kay Maqui. "Ha?" "Wala... as in, hindi ka napaganito." Pinanuod ni Julie habang gumalaw si Maqui. It was a mix of giggling and shaking at the same time kaya hindi napigilan ni Julie ang kanyang pagtawa. "Maq! Ano ba yan, naiihi ka ba?" "Exactly Jules!" Maqui exclaimed. "Gumaganon ka lang kapag kinikilig ka or naiihi ka... and in Alden's case, well, hidi ka niya napaihi." Lumagapak naman ng tawa si Julie, walang pake na may tumitingin na rin sa direksyon nila. "See see?" Maqui said matter-of-a-factly. "Ganito yan Jules, since napakaslow mo pagdating sa matters of the heart." Kunwaring sumimangot lang si Julie pero pinagpatuloy ni Maqui ang kanyang sasabihin. "Isipin mo na lang kung ano yung difference ng nararamdaman mo kapag kasama mo si Elmo or si Alden." =============== "Mr. Magalona what do you think?" Napatigil saglit si Elmo at naalalang nasa isang board meeting nga pala siya. Bago pa niya mapahiya ang sarili ay umakto naman kaagad si Frank at sinagot ang isang share holder na nagtanong. Although muhkang di convinced, nagkibit balikat na lang ito at hindi na nagsalita pa hangga't sa matapos ang meeting. At kagaya ng dati, isa isang nakipagkamay si Frank at Elmo sa mga kasama sa meeting hangga't sa silang dalawa na lamang ang natira sa loob. "Elmo ano ba, never ka ganito, buti ngayon ka lang ganito dahil kung hindi nagisa ka na kanina." Frank said, a little disappointed at his little brother. Kahit naman si Elmo ay disappointed sa sarili. Ngayon lang siya nagkaganito. Usually siya pa ang may pinakamaraming opinyon at ideya para sa mga project ng Magalona corporation. Pero ngayon hindi, as in sobrang distracted siya. "Sorry kuya, masama lang pakiramdam ko..." Tiningnan naman siya ni Frank saglit. Seryoso ang muhka ng nakatatandang Magalona bago nito hinawakan ang noo ng nakababatang kapatid. Sinubukan lumayo ni Elmo pero patuloy sa pagramdam si Frank. "Kuya ano ba!" "Hindi ka naman mainit, what's the problem?" Umupo si Elmo at inis na napasimangot. "Nagaway kami ni Julie kagabi eh." Hindi naman nagsalita si Frank, hinihintay lang ang pagpapatuloy ng kapatid. "Hindi ako mapakali kuya, ayoko yung feeling na galit sa akin si Julie." Hindi alam ni Frank kung maiinis ba siya o matatawa. Napaupo na rin siya sa kanan ni Elmo. "Ano ba kasi ginawa mo?" "Tss. Si Richards kasi yung naghatid sa kanya pauwi. Ewan kumulo dugo ko kagabi." "Ah." Tumango si Frank. "Ayan, lumabas ang pagkapossessive mo, tigas mo bro and hindi pa nga kayo eh." "Yun nga kuya eh. Hindi siya nagbreakfast kaninang umaga tapos hindi niya ako kinausap hanggang sa pareho na kami umalis for work." Elmo sneered. "Hindi pa kami at parang nabawasan chance ko sa kanya." "Sus, ayun nga bro!" Tumayo naman si Frank at malakas na tinapik sa balikat si Elmo. Nagising naman ang diwa ng huli. "Pakita mo na mas magaling ka kay Richards! Na mas mamahalin mo si Julie!" Biglang natawa si Frank. "Tangina Moe nagiging cheesy ako dahil sayo!" Hindi napigilan ni Elmo at napangisi na din sa sinasabi ng kuya niya. Pero may point ito. "Tama kuya!" Napatayo siya at naihampas ang mesa. There was this certain fire running through his veins. Nabubuhayan siya ng dugo! ============== Mabagal lang ang paglalakad ni Julie at Maqui ng pabalik sila sa JAM building. Mahaba haba pa ang break at pwedeng pwede pa sila magpahinga habang nasa office. Kaso muhkang hindi makakapahinga si Julie. She stopped right by the lobby ng makita na nakaupo doon si Elmo at may dalang isang pirasong ponkan. "Ay girl! Naalala ko nagd-download ako ng porn sa computer ko baka may makakita, una na ako bye!" Mabilis na tumakbo si Maqui papunta sa elevators, humahagikhik at kumaway lang kay Elmo ng madaanan niya ito. "Maqui!" Julie hissed but it was too late dahil sumara na ang elevators. Traydor talaga kahit kelan o... She had no choice. Humarap siya kay Elmo na ngayon ay papalapit sa kanya. Madaya, bakit kasi ang gwapo nito? Lalo na at naka three piece suit ito. Hmpf, ang hirap magalit. "Tantz..." Pucha nagpout pa. Wag mo ako dinadaan sa ganyan Magalona. "Elmo ano ginagawa mo dito? Gusto mo na rin ba maging music producer at parang mas madalas ka pa dito kaysa sarili mo opisina." Sabi ni Julie habang naka halukipkip. Mahinang ngumiti si Elmo at linapitan siya bago ibigay yung ponkan pero hindi ito kinukuha ni Julie. "Ano yan suhol?" Nakasimangot na sabi ni Julie. Mahinang natawa lang si Elmo. "Peace offering yes. I'm sorry Tantz, have dinner with me later. Sa penthouse, ako magluluto..." Bago pa makasagot si Julie ay mabilis siyang hinalikan ni Elmo sa pisngi at nagmamadaling lumabas ng building. Julie stood frozen on the spot. Hindi man lang siya binigyan ng choice!! "Ugh!" Mahina niyang sambit. Umakyat siya sa elevators at dumeretso sa office cubicle ng harangan siya ni Alden. Muntik na tumalon ang puso niya! Bakit ba sumusulpot itong mga ito na parang kabute?! "Alden! Nagulat ako." "Ah, hehe sorry." Alden smiled sheepishly at napakamot pa sa likod ng ulo. "Ano, uhm, aalis nga pala ako ngayong hapon. Pinapasama ako ni Mr. Mendez sa isang cafe, may i-recommend siya sa akin na pwedeng new artist..." "Ah ganun ba, sige sige balitaan mo na lang ako..." Pero muhkang may iba pa sasabihin si Alden. "Uhm, is there something else?" Julie hesitantly asked. Parang nahihirapan si Alden pero kaagad naman nagbitaw ng salita. "Sunod ka na din doon sa cafe kapag tapos ka na dito." "Huh? Bakit pa? Eh nakita mo na yung artist?" Nalilitong tanong ni Julie. "Uhm, kasi... gusto ko sana magdinner tayo." Nakangiting sagot ni Alden. "H-huh, Alden---" "Richards!" Parehong napatigil si Alden at Julie ng marinig ang tumatawag. Muhkang atat na atat na si Mr. Mendez dahil naka coat and hat pa ito na naghihintay sa may elevators. "Text ko na lang yun address, bye Jules!!" Mabilis na sabi ni Alden bago patakbong pumunta ng elevators. At kagaya ng kanina, naiwang nakatayo si Julie at nagmamaktol sa sarili. What is it with these guys not giving me a choice?! Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili bago nagdesisyon na mag CR muna. Walang tao pagdating niya at prenteng ginawa na niya ang ginagawa sa CR at nakatayo na ng marinig na may dalawang babaeng pumasok din sa loob. Talo pa ang pato kung pumutak itong mga ito. "Grabe girl, ganda ni ma'am Julie no?" Napatigil siya sa loob. Aba siya pinaguusapan dahil siya lang naman ang Julie sa buong JAM kaya may karapatan siya makinig. Limited ang pag hinga niya baka marinig siya eh. She guessed the two were retouching their make up since she could hear all their stuff making noise against the sink tiles. "Oo girl, kaya di ka magtataka kung bakit dalawa manliligaw niya eh..." "Dalawa? Akala ko si sir Alden lang?" "Bagal mo talaga sa balita girl hindi mo ba nakita yung isa pang papa? Yung nasa lobby kanina?" "Ay oo nakita ko yun! Oo nga pogi din..." "Pero mas gwapo si sir Alden..." "Hindi girl, mas gwapo yung isa..." "Whatever bagay naman both kay mam Julie. Haay, pinagpala talaga yun no?" Tahimik pa rin si Julie hangga't sa marinig niyang lumabas na yung dalawa. Lumabas na din siya sa loob ng cubicle at napahinga ng malalim. Grabe, ang tsismis ngayon tungkol sa love life niya? Sa natirang araw pinuno niya ang sarili sa natitirang trabaho pero paano siya makakagawa ng maayos ng may dalawang lalaking ineexpect na kumain siya ng dinner with them? Mga hunghang kasi di man lang ako pinagsalita... Enough with this, she needed her best friend. Tumayo siya sa desk at agad agad pinuntahan si Maqui sa office nito. "Maq!" "Kamusta bebe girl?" Ngiti ni Maqui habang nakaupo sa likod ng kanyang desk. Hindi man lang siya nagulat sa biglaang pagpasok ni Julie. "Maq, gusto ko maniris ng tao..." Pagrereklamo ni Julie habang nakaupo sa harap ni Maqui. "O bakit nanaman? Ano sabi ni Elmo?" Nagtatakang tanong ni Maqui. Agad agad naman kinuwento ni Julie ang lahat ng nangyari sa kanya mula ng iwan siya ni Maqui sa may lobby. Needless to say, her bestfriend didn't know what to say. "Maq say something!" "Eh pareho pala lakas maka implement ng dalawang yun eh!" Sabi na lang bigla ni Maqui. "Wala ka na lang kaya siputin? Tayong dalawa na lang magdinner?" Kung ganoon lang talaga kadali iyon eh. Kaso hindi. Napahinga ng malalim si Julie at nailapag ang ulo sa may desk. Nagsalita naman ulit si Maqui. "Pero alam mo Jules, parang lugi si Alden." Julie looked at her friend. "Lugi?" "Oo, kasi diba, mas matagal mo kakilala si Elmo at saka mas nakakasama mo. Kumbaga, wala masyado chance si Alden na magpakitang gilas." Sa malayo nakatigin si Maqui habang nagsasalita. "What if, you spent more time with Alden? You know, give him a fighting chance?" ============== Ilang oras din nagluto si Elmo, ngayon hinihintay niya umuwi si Julie at ilang beses na din siya ayos ng ayos sa table. 7 na ng gabi... di pa rin nakakauwi si Julie. Saan naman kaya nagpunta yun? ================= AN: Sorry po ulit sa typos! Happy 2k reads! Salamat po sa lahat ng nagababasa, nagcocomment at nagvote! Hala san sumipot si Julie?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD