“Kapilan!” Nagmamadali akong naglakad at buti nalang dahil may taxi na huminto sa harapan ko. Ayaw kong makausap si Rett dahil umiinit ang dugo ko sa kaniya. “Saan tayo ma’am?” “Mall,” sabi ko. Agad na pinaharurot ng driver ang sasaksyan paalis. Buti at hindi na nakaabot si Rett. Wala akong gana na naglibot sa mall. Inubos ko lang ang oras ko maglakad lakad at pumunta ng plaza. Ang ganda ng araw ngunit hindi ko magawang makisaya. Bumili lang ako ng isang fishball na kahit hindi gutom ay kumain pa rin. Ni hindi ko naubos lahat. Kahit sa pagkain, nabago ang taste ko. Mukhang hindi ko na kayang makaubos ng limang fishball. Hindi ko aakalain na aabot ako ng alas singko dito. Sabi ni mama before 6 uuwi ako, ngunit hindi ko pa gustong umuwi. “Saan kayo ma’am?” sabi ng driver nang makas

