Kapitana
“What happened to you?” tinapunan ko lang nang tingin si mama at bumuntong hininga ulit. “Ma, taga saan si Grant?”
Seryoso ang tanong ko kay mama ngunit nakitang kung tumaas ang dalawang kilay niya at sinaluboong ang mga mata ko sa mapanukso niyang tingin.
“Crush mo si Grant noh?”
“Ma! Don’t go even there!” Jusko! Ako? Magkaka-crush sa lalaking nakalaklak sa gluta na ‘yon? Ako ang kinakabahan sa sinasabi nila.
“Then why are curious about him?” sasagot na sana ako ngunit pumasok ang palaki-amero kong kuya.
“Siguro ma si Grant na ang crush niya. Gwapo nga naman si Grant, hindi ko lang sure kung magugustuhan niya itong tabachoy na ‘to!”
Umepal na naman itong kapatid kong buto’t balat. Hindi kumpleto ang araw niyang hindi mambwesit sa akin, ano? “Hindi ba kayo kinakilabutan sa mga pinagsasabi niyong dalawa?”
Inirapan ko silang pareho at hindi ko nalang pinansin at nag scroll-scroll sa i********:. Hinahanap ko ang pangalan ni Grant Pabelico at ng ma stalk ko baka may makita akong tinatago niyang baho.
“Oh Grant!” Agad akong napa-angat tingin nang marinig si kuya na binanggit ang pangalan ni Grant.
“Ayieeee!!!” Sumalubong sa akin ang nakakabwisit niyang mukha na binuntutan ng tawa ni mama.
“Ako ba pinagloloko mo, Philip?” pinagsingkitan ko sila ng mata ni mama.
“Kasalanan ko ba kung lumingon ka?” naiinis akong umalis sa kinauupuan ko dito sa sofa. Bahala na sila diyan. Hindi ko sila papansinin. Naiinis ako sa pagmumukha nila.
Dumiretso ako sa sala at doon na inubos ang oras ko para hanapin ang account ni Grant sa social media.
“Oh, Grant? Anong ginagawa mo dito?” sumimangot ulit ako. Kailan ba titigil sina mama sa kakatukso sa ‘kin? Panay sila Grant ng Grant.
“Ma! Tumigil na nga kayo!”
“Aba! Bakit? Inaano ka ba namin?” sigaw ni mama pabalik. Hindi ako sumagot. Sumimangot lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
“Naku Grant, mukhang ayaw kang makita ng dalaga ko.” Napantig ang tenga ko sa narinig. Andito ba talaga siya? No. Niloloko lang ako ni mama. At bakit ba nila ako niloloko kay Grant? Hindi ko naman crush ang mokong na ‘yon.
"Ayaw mo bang pumasok Grant?"
That's it! Mama's doing it on purpose. Tumayo na ako. No'ng isang araw pa ako bwisit na bwisit sa lalaki na 'yan. Matapos niya akong videohan at i-blackmail doon sa kahihiyang ginawa ko, naku! Makakalbo ko talaga siya.
Pero impossible namang mapadpad siya dito. Ano namang gagawin niya dito?
Matignan nga.
"Salamat dito Grant-" natigilan ako, natigilan din si mama. Tumingin sila sa akin kasabay ni Grant. Hala! Nandito nga siya!
Bumaba ang mata niya sa dibdib ko. Wala akong bra kaya bakat ang dalawang tala sa dibdib ko ngayon. Gulat akong tumingin sa kaniya, nakita ko rin ang paglaki ng mata niya. Bigla niyang iniwas ang paningin niya sa akin ngunit pulang-pula na ang leeg at tenga niya.
Nanlalaki ang mga mata kong tumalikod at tumakbo papunta sa loob ng bahay.
Jusko! Nakakahiya! Mamaaaaaaa….
Kung anu-ano nalang nakita niya sa katawan ko. May video pa siya sa 'kin na nakatuwad. That bastard. May araw ka rin sa ‘kin, Grant!!
"Kapilan! Why are you running?" sigaw ni mama. Napapikit ako. Ma, please lang. Huwag na kayong sumigaw. Hindi mo ba napapansin na may bumakat na ma?
"Saan ka pupunta?" kumunot ang noo ko habang nakatingin kay kuya na naguguluhang tumingin sa 'kin. Nilagpasan ko siya at dumiritso lang sa pagtakbo habang yakap ang sarili. Kapag talaga nagsalubong landas namin ni Grant, nahuhubaran ang kaluluwa ko sa hindi sinasadyang pagkakataon.
"Kapilan, gusto ka raw makausap ni Grant." Sigaw ni mama.
What? Ayaw ko nga. Bahala siya diyan.
Dumaan ako sa likuran. Pupunta nalang ako kila Rett. Hindi ko alam anong inutos ni Rett at nandoon si Grant sa bahay pero napaka bad timing talaga.
Kumuha muna ako ng bra sa sampayan at dali-daling sinuot saka umalis.
Nasa daan na ako nang may sasakyang mahinang tumatakbo kasabay ko. "Kapilan," napatingin ako sa sasakyang huminto na sa gilid ko.
"Tito!" tumigil ako at ngumiti. Tito Evren, ang papa ni Rett. Sumilip ako sa gilid at likuran niya para makita kung sino kasabay niya at ganoon nalang kasaya ang puso ko nang makita si Rett.
"Sa bahay punta mo?"
Dahan-dahan akong tumango. "Sumabay ka na sa amin hija."
Amin? Sumilip ako ulit sa likuran niya, nakita ko si Rett na siyang nakatingin na sa akin.
Malapad akong ngumiti at dali-daling pumunta sa tabi niya.
"Hi Rett," bati ko ngunit hindi man lang siya ngumiti. Nilagyan niya lang ng earphones ang tenga niya saka sumandal sa bintana.
Ang sungit naman pero ayos lang kasi pogi.
"Kamusta ka na hija?"
"Ayos lang naman po ako tito Evren. Nakakaliwaliw na dahil wala ng pasok."
"That's good to know."
Iyon lang at quite na si tito. Wala na siyang sinabi kaya tumahimik nalang din ako. Matipid siya mag salita pero mabait naman.
Sa kaniya yata nag mana si Rett e. Pasalamat talaga si Rett crush ko siya kaya okay lang sungitan niya 'ko.
"Rett," kinalabit ko si Rett. Tinapunan niya lang ako nang tingin. Kunot ang noo niya at halatang inis talaga siya sa presensya ko.
"Can I sleep on your shoulder?" tinuro ko ang balikat niya. Ibinaba niya ang earphones na kakalagay lang niya lang sa tenga niya.
"Anong sabi mo?"
"Can I sleep there?" tinuro ko pa ang malapad niyang balikat. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Sana pumayag ka.
"No. Cause we're here," aniya at na unang bumaba sa akin. Huh? Nang tignan ko ang labas ay nasa bahay na nga nila kami.
Wow. Wala pa namang 2 minutes ah?
Tito Evren naman, binilisan e.
Nakasimangot akong bumaba. Sinalubong kami ni tita na agad dinaluhan ni tito.
Nag hi lang ako sa kaniya at nagmamadaling sumunod kay Rett.
"Wait up, Rett!" hinabol ko si Rett dahil hindi naman siya nakinig sa 'kin.
"Rett!!!" Sigaw ko at this time ay tumigil na siya.
“What do you want?” masungit at parang nakasigaw na tanong niya pero ayos lang dahil sanay naman na ako.
“Sama ako sa ‘yo.” Nakalabing sabi ko.
“No. Matutulog ako sa kwarto ko dahil pagod ako at huwag mo ‘kong istoruhin paki-usap.” Sabi niya at tinalikuran ako.
Tumigil nalang ako at tumingin sa likuran niya ngunit nakita kong tumigil siya. “And if you need anything, just tell Grant. Nasa kwarto lang ‘yon, walang ginagawa.” Aniya at umalis. Nasa kwarto? Walang ginagawa? E nasa bahay ‘yon e, may dala pa ngang pagkain na ibinigay niya kay mama.