Maaga akong umalis sa bayan para maghanap ng magandang skwelahan na papa-enrolan ko kay Wisterio. May school na akong napuntahan ngunit hindi ko bet ang ambiance at background. I want best for my son. Nag research na rin ako ng mga famous school sa lugar dito at may nakita ako na siyang pupuntahan ko ngayon. Malaki na rin naman kasi ang naipon ko for designing so afford ko ang tuition fees buwan buwan kahit gaano pa iyan kamahal. Alas-onse na, kumakalam na ang sikmura ko kaya pumasok ako sa isang eating house na nakita ko. While on my way para mamili ng pagkain, naghahanap na ako ng mauupuan. Wala akong nakitang bakante maliban doon sa isang lalaking na mag-isa lang kumakain. Nag order ako ng pagkain. Makikiusap ako sa kaniya mamaya na kung pwede ba akong makiupo sa tabi niya. Hindi n

