Chapter 10

1831 Words
"LAUTHNER!" Pagtawag ng lalaking mayroong baritonong boses sa kaniyang kaibigan habang papalapit siya sa kinaroroonan nito. Nahagip naman kaagad ng paningin nito ang ilang papeles na nagkalat sa mesa kung saan ito nakaupo habang humihigop ito ng mainit na kape. Bahagyang inangat ni Lauthner ang kaniyang paningin sa lalaking papalapit sa kinaroroonan niya sabay higop sa hawak-hawak niyang tasa na may kape na tila'y umuusok pa. Napakunot siya ng noo at nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay habang tinitignan niya ito. "The morning has just begun. Aidan, what are you doing here?" pagtatanong niya rito at marahang ipinatong sa platito ang tasa pagkatapos niyang humigop. Napatawa si Aidan dahil sa naging tono ng pananalita ng kaibigan sa kaniya. Napailing siya at hinila ang isang upuan sabay umupo sa mismong harapan ni Lauthner. "Well, I woke up early—and I want to start my day with full of energy. Don't ruin my mood," aniya na tila'y nagbabanta at pinagningkitan niya pa ito ng mata. "I'm not you," makahulugang salaysay ni Lauthner na walang bahid na ekspresyon sa kaniyang pagmumukha nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Kinuha niya ang isang papel at nagsimulang basahin ang nakasaad doon. Habang taimtim siyang nagbabasa tinawag naman ni Aidan ang isang crew at nagpakuha ng kape. Upang magawa niyang sabayan si Lauthner, kinuha nito ang mga ginawa niyang designs na dalawang gabi niyang pinagpuyatan. "I brought the designs. In case, you want another changes," wika niya at marahang itinulak niya ang mga ginawa niyang draft designs kay Lauthner. Lauthner turned his gaze on him while still facing on the paper that he's holding. He seems irritated dahil kanina pa sya nagpo-pokus sa kaniyang binabasa not until Aidan arrived. Wala siyang nagawa kundi ang ibaling ang kaniyang atensyon sa draft designs na dinala ng kaibigan. Right now, Aidan is his partner not a friend. He took a sigh. Ibinaba nito ang hawak niyang papel at hinarap si Aidan. Inilabas ni Lauthner ang laman ng plastic envelope kung saan naroon ang draft designs. Habang sinusuri niya ito, napapatango siya dahil sa ganda ng gawa ni Aidan. Kahit na may pagkabulakbol ang kaibigan niya ay hindi naman nito hinahayaan na maapektuhan ang kaniyang trabaho. The designs are all fine. Walang ibang masabi si Lauthner kundi, "Your always giving me unique designs that I couldn't take my eyes and hopes off. You're improving everyday. I'm impressed...Even though your looks are not on it." Aidan lips started to curved into a smile not until Lauthner finished his sentence. Biglang naging matabang ang ekspresyon ng pagmumukha ni Aidan dahil sa sinabi ni Lauthner. He sucks his teeth as he tilt his head while having a discouraging look on his face. "Should I be happy because of your compliment? Or should I kick you in the ass?” Lauthner laughed when he saw Aidan's irritated face. "You should be thankful. I complimented you." "Thankful?" he asked in a disbelief tone. "Psh! Mukha mo! Pay me!" "Your work isn't done yet," pagpapaalala ni Lauthner na may munting ngiti sa kaniyang labi. "I'll pay you once the work is done." "Whatever!" pagsukong wika ni Aidan at saktong dumating naman ang kaniyang kape. Hinipan niya muna ito at maingat siyang humigop dito. "By the way, I haven't see her." "Her?" Lauthner confusingly uttered as he repeat the last word. "What do you mean?" "The woman whom you've almost made out? I thought you two have a thing?" pagsasalaysay ni Aidan. Pero base sa ekspresyong ipinapakita ni Lauthner ay napagtanto niya na mali ang kaniyang hinala. "Oh...I thought after that night—" Pinutol naman ni Lauthner ang pagsasalita ni Aidan sa pamamagitan ng kaniyang biglang pag-imik. "Tsk!" natatawa niyang usal habang napailing. "Bakit? It's time for Rauthnia to have a mom. Besides, your ex-wife is not that wife material. You should move on, Bro!" "Matagal na akong naka-move on. I'm not interested in dating again. Rauthnia doesn't need a mom. She has me and Shilloh whom she can treat as her mother figure." Aidan shook his head. "Shilloh is your cousin and that's not enough for Rauthnia to consider her as her mom. She's still at a young age and fragile. At this rate, she might need a mom who can look after her as she grows." Lauthner stomp his hand on the table and throw an irritated look on Aidan. "Why don't you get a wife then? You'll know how stressful marriage is." Napatikom naman ng kaniyang bibig si Aidan dahil sa inusal ni Lauthner. He isn't ready to commit into that kind level of relationship. For now, gusto niya muna na magsaya at e-enjoy ang pagiging single. He is still not ready to have responsibilities kahit na mayroon siyang magandang trabaho at reputasyon. Nasaksihan niya kung anong klaseng buhay iyon sa pamamagitan ni Lauthner. Having a wife and child is fulfilling yet frustrating. Sa susunod niya na papasukin ang mga ganiyang bagay kapag nahanap niya na ang babaeng handa niyang isugal ang lahat para dito. "Let's skip that part," natatawang wika ni Aidan. Nakaramdam naman ito ng biglang pagkalam ng kaniyang sikmura. "Let's order something to eat. I'm hungry." Walang pag-alinlangan namang itinaas ni Lauthner ang isa niyang kamay bilang pagtawag sa waiter. Pati siya ay nakaramdam na rin ng kaunting gutom at ang pag-inom lamang ng kape ay hindi sapat upang makalaman ang kaniyang tiyan. "Yes, Sir Lauthner?" agad nitong tanong nang makalapitan ang waiter sa kinaroroonan ng dalawang lalake. "Two breakfast," maikling wika ni Lauthner. “That’s all, Sir?” muling tanong nito. “Yes,” maiking nitong wika na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang crew. Walang imik si Aidan sa in-order ni Lauthner dahil alam niya kung ano ang magiging ulam nila sa araw na ito dahil nakita niya ang menu kanina pa lamang no'ng papasok siya. Nagtingin-tingin na lamang ito sa paligid na tila may hinahanap siya. Habang si Lauthner naman ay nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. NANG dumating na ang kanilang order ay pinagpaliban na muna ni Lauthner ang trabaho at nagsimula na silang kumain. Tahimik lamang ang dalawa na kumakain habang unti-unti namang nagsidatingan ang iilang tao sa resto na siyang agad namang napuno ang buong paligid. Sa hindi inaasahan ay nahagip ng paningin ni Lauthner ang isang pamilyar na mukha. Hindi na siya nagtaka pa kung bakit andito ang babae dahil ang resto na ito ay ang siyang pinakamalapit sa cabin nito. Ipinagsawalang bahala niya ito at itinuon na ang atensyon sa kaniyang pagkain. “May gagawin ka ba mamaya?” pagtatanong ni Aidan sa kaibigan. Napatingin naman si Lauthner dito at nagsalita, “Nothing. Why?” Napangiti si Aidan at ibinuka ang bibig, “Let’s go to the market!” Napakunot ng bahagya ang noo ni Lauthner dahil sa sinabi nito. Ininom niya ang tubig na nasa kaniyang gilid at pinunasan ang bibig sabay sabi, “Bakit? Since you arrived here, it’s a first for me to hear you talk about the market. What’s you ulterior motive this time, huh?” Hindi kaagad nakaimik si Aidan dahil sa sinabi ng kaibigan pero agad niya namang nabawi ang bigla niyang pananahimik sa pamamagitan ng kaniyang pagtawa. “I-I just wanna visit the market…That’s it!” tila nauutal pa nitong wika. Napailing si Lauthner na may kasamang nanghuhusgang tingin, “You’re eyeing someone.” “W-what? No!” agad na pag-angal na wika ni Aidan dito. Subalit hindi nito natinag ang mapanghusgang tingin ni Lauthner. “I know you, Aidan.” “Argh!” he groaned. “I just wanna see someone. That’s it!” Hindi pa rin nakumbinsi si Lauthner sa ginawang dahilan ni Aidan kung kaya’t nananatiling gano’n pa rin ang kaniyang tingin sa kaibigan. “Fine!” pagsuko nitong wika sabay pakawala ng isang mabigat na hininga. Bahagyang inilapit niya ang katawan sa dulo ng mesa habang nakapatong naman ang dalawa nitong braso sa ibabaw. “I’ll do anything you want me to do.” “Like what?” pagtatanong ni Lauthner sabay sandal sa kaniyang inuupuan. “Anything!” desperadong usal ni Aidan na tila nagmamakaawa sa kaibigan upang samahan siya nito. “Why don’t you just go alone? I have many things to do,” pagbabalewala ni Lauthner sa sinabi nito. “I want you to come with me. Hindi ko kabisado ‘yong palengke. Unlike you…You’ve been there a couple times hanging around with the vendors.” “Tsk!” asik ni Lauthner at napatawa ng mahina. “Does that someone a vendor too? That is why you need me to get closer on her?” Nangisi si Lauthner nang makita niya ang ekspresyon ng kaibigan. Halata sa pagmumukha ni Aidan na tila’y nabisto ni Lauthner ang kaniyang plano. Napabuntong hininga si Aidan dahil wala na siyang takas pa. Napagdesisyonan niyang sabihin na lamang ang totoo dahil alam niyang kapag magpapaligoy-ligoy pa siya hindi niya na magagawang kumbinsihin si Lauthner na samahan siya. “I’ve been eyeing on her since the last five days but ai don’t know how to approach her. They say that she’s a tough woman and you know that I can’t handle that kind of people,” tila nagsusumbong niyang wika sa isang malumanay na boses. “That is why I need your help on this. Come one, man! Just this one.” “If she’s a tough one, I’m afraid I can’t help you on that.” “But not to you,” mabilis na usal ni Aidan dito. “She’s not tough when she’s with you.” Kumunot naman ang noo ni Lauthner dahil hindi niya nakuha kung anong ibig nitong sabihin. Pinagmasdan niya ng mabuti ang kaibigan at nakikita niya na hindi nga ito nagbibiro. He sighed and blow an air. “Okay. What time?” Nagliwanag naman kaagad ang buong pagmumukha ni Aidan na tila’y may ilang bombilyang nakalagay dito na may kasama pang abot langit na ngiti. “Two o’clock. I’ll meet you at your office.” “Okay,” Lauthner uttered. Tinignan niya ang kaniyang wrist watch. “It’s almost eight. I need to go.” Tumayo na si Lauthner mula sa kaniyang pagkakaupo at kinuha ang folder na dala niya kanina pati na rin ang folder na pinaglagyan ni Aidan ng draft designs. “See you later,” wika ni Aidan at pinagmasdan ang kaibigan na lisanin nito ang resto. Magmula no’n ay hindi na nawala ang malapad na ngiti ni Aidan na abot hanggang taenga. Nasasabik na siyang pumunta sa palengke at hindi na makapaghintay na sumapit ang ang alas dos. He’s always been like this when he’s eyeing for someone. Pero ngayon lamang siya humingi ng tulong para mapansin siya ng babaeng natitipuhan niya. Karamihan sa nagiging karelasyon niya ay ang mga ito mismo ang lalapit sa kaniya at magpapapansin. Kung kaya’t labis na lamang ang kaniyang kaba na may halong pagkasabik ang nararamdaman niya. He hopes that everything will go on his way. He got Lauthner and let him do the move for him to sail smoothly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD