NAGISING ang diwa ni Sieviana dahil sa labis na panlalamig. Ramdam niya ang bigat ng kaniyang katawan dahil sa epekto ng alak na ininom niya kagabi. Napakapkap siya sa kaniyang gilid upang kunin ang cellphone nito. Marahan nitong ibinuka ang mga mata niya at tinignan ang oras. Napapikit siyang muli nang makitang lagpas alas onse na pala ng umaga at ilang minuto na lang ay magtatanghali na.
Subalit, biglang sumagi sa kaniyang isipan ang isiping kung bakit narito siya sa kaniyang silid. Sa pagkakaalala niya ay nasa loob siya ng bar habang nilululong ang sarili sa alak. Hanggang sa parang pira-pirasong nagdugtungan naman ang mga alaala na iyon at napasinghap si Sieviana nang maalala niya ng tuluyan ang malaking pagkakamaling kaniyang ginawa.
“Shoot!” wala sa sariling sambit niya at napahawak ito sa kaniyang noo na hindi man lang kumukurap. “What did I do?”
Nakatunganga siya at pino-proseso kung ano pa ang mga sumunod na nangyari pagkatapos no’n. Subalit, kahit anong piga niya sa kaniyang utak ay wala na siyang maalala pa bukod doon. Gumapang ang takot sa kaniyang buong pagkatao dahil baka may nakakilala sa kaniya roon at nasaksihan nito kung ano ang ginawa niya. Dali-daling tinungo ni Sieviana ang banyo at tinignan ang sarili sa salamin.
She’s worried that something bad has happened to her last night. Tinignan niya ang kaniyang mga mata at ang ilang parte pa ng katawan nito upang suriin kung mayroon siyang pasa o kahit anong sugat na makapagpapaalala sa kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi. Ang tanging naalala niya lang ay may kung sinong lalake siyang hinalikan na hindi niya naman masyadong naaninag ang pagmumukha nito.
Nakahinga siya ng maluwang nang wala siyang nakitang problema sa katawan. Napahawak siya sa magkabilang dulo ng sink at yumuko. “You’re fine. Thanks, God!”
Nagsilbing malaking katanungan naman para kay Sieviana kung bakit at paano siya napadpad sa kaniyang silid. Pero nakikipagtalo naman sa kaniya ang kaniyang isipan na marahil ay nasa wisyo pa siya no’ng mga oras na iyon at nagawa nitong maglakas pabalik sa cabin. Hindi na pinahirapan pa ni Sieviana ang sarili na guluhin muli ang pag-iisip. Lalo na’t ang tanging rason kung bakit siya nandito ay ang pagaanin ang kaniyang damdamin.
Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang bigla itong kumalam gawa ng pagkagutom dahil nalipasan na siya. Pumasok na ito sa banyo upang maligo upang maging maaliwalas ang kaniyang pakiramdam. Nagtagal siya ng mahigit sampung minuto sa loob ng banyo bago ito lumabas. Tinungo niya ang malaking cabinet kung saan naroon ang mga kagamitan nito. Isang simpleng t-shirt at short lamang ang kaniyang kinuha dahil kakain lang naman siya ng tanghalian.
Nang matapos na siyang magbihis ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at lumabas na ito ng cabin sabay tinungo ang daan papuntang pavilion. Alam niya kung saan siya papunta dahil sa mapa na nakadikit sa kaniyang wall. Base sa deskripsyon nito ay malapit lang ito sa tabing dagat. Habang naglalakad si Sieviana sa maputing buhangin ay nasisinagan naman ng araw ang kaniyang balat. Hindi niya ito inalintana dahil hindi naman ito masakit sa kaniyang balat kapag natatamaan siya. Napapatingin siya sa bawat nadadaanan niya dahil sa iba’t-ibang disenyo ng bawat cabin. Kahit na hindi kalakihan ang iba ay tiyak na hindi naman mabibigo ang mga turista dahil sa ganda ng mga disenyo at tibay ng bawat cabin.
Mabilis niyang naikumpara ang kaniyang cabin sa ilang cabin na nadaraanan niya. Isang private cabin ang kinuha ni Sieviana, kung saan solong-solo niya ang buong lugar at may jacuzzi pa ito sa loob. Gusto niya ng walang istorbo at hindi naman mabigat sa kaniyang bulsa ang presyo nito, sa isipin din na mabibigyan siya ng karagdahang pokus sa sarili upang makapagmuni-muni.
Ang bawat taong nandito sa isla ay may matatamis na ngiti sa kanilang mga labi. Mga ngiting hindi matutumbasan ng kahit ano dahil pawang kasiyahan lamang ang ipinapakita nito. Hindi maiwasan ni Sieviana ang mapangiti ng palihim dahil ramdam niya ang labis na saya ng mga ito. Kung ito lang ang palaging bumubungad sa kaniya araw-araw ay tiyak na makakalimutan niya agad ang mga problemang dinadala niya.
Pagkarating niya sa dining pavilion ay namangha siya nang makita kung gaano nakakagaan sa pakiramdam ang atmospera ng lugar. Nakaharap sa malawak na karagatan ang pavilion at nasa may bandang gilid naman ang counter kung saan may samu’t-saring nakadikit na papuri bilang patunay na maraming humahanga sa islang ito. Hindi maipagkakailang maraming tao ang pupunta rito lalo na’t ang bawat trabahanteng nandirito ay sasalubungin ka kaagad ng isang malawak na ngiti.
“Good afternoon, Ma’am!” masiglang bati ng isang babae kay Sieviana nang lapitan niya ito.
Sinuklian naman ito ni Sieviana ng matamis na ngiti, “I am looking for a spot that have less people but has a best view.”
Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti ng babae habang nakatingin kay Sieviana. Agad naman nito nakuha kung ano ang itinutukoy ni Sieviana at inilahad ang kaniyang kamay sa isang direksyon.
“Good choice, Ma’am! This way po,” magalang na usal nito at sinabayan sa paglalakad si Sieviana.
Ngumiti si Sieviana at nakipagsabayan din sa paglalakad. She doesn’t feel threatened or has an uneasy feeling while they’re walking talking. She just find the girl talkative.
“Alam niyo po ba? Sa dami-rami ng mga turista na pumupunta rito, bibihira lang po ang nagre-request ng isang spot na hindi masyadong matao,” wika nito at napangiting binalingan si Sieviana.
Hindi umimik siya pero sinuklian niya naman ito ng isang ngiti dala na rin na wala siyang naisip na puwedeng sabihin batay sa sinabi nito. Pero handa naman siyang makinig sa kung anumang sasabihin ng dalaga. Nasisiyahan siya rito habang nakikinig dahil halatang hindi siya nito kilala.
“First time mo po ba na pumunta rito sa isla?” pagtatanong nito kay Sieviana.
Tumango naman ito sabay tugon, “Yes, it is my first being here.”
“Kumusta po ang pags-stay mo rito? Nakapag-relax ka po ba?” dagdag nitong tanong na parang isang kaibigan na nasasabik na malaman ang naging kasanayan nito.
“Yes,” aniya sabay tango. “The island makes me feel that I’m in the right place to freshen up my mind.”
Napahagikhik naman ang dalaga dahil sa sinabi ni Sieviana. “Gano’n naman ho palagi ang sinasabi ng mga turista sa tuwing pumupunta sila rito. Mayroon pa ngang iba na ayaw nang umuwi dahil nahumamaling sila sa kagandahan ng karagatan kaya nanirahan na lang sila rito.”
“I see,” nakangiting usal ni Sieviana.
Lumiko sila sa may bandang kanan ay napahawak naman si Sieviana sa kaniyang balikat nang maramdaman ang malamig na hanging tumama sa kaniyang balat. She can feel the sea breeze kahit na hindi pa niya nakikita ang dagat pero nararamdaman niya na malapit na sila sa puwestong itinutukoy ng dalaga.
“Nakapunta kana po ba sa bar?” medyo tumaas ang boses ng dalaga nang sabihin niya ang mga katagang iyon ay tila nagniningning pa ang mga mata nito. “Naku, Ma’am! Bago matapos ang bakasyon mo, dapat makapunta ka po sa bar para tuluyang makumpleto ang bucket list mo rito sa isla!”
Agad namang sumagi sa isip ni Sieviana ang kanina’y nakalimutan niyang pangyayari kagabi. Naging isang malaking katanungan na naman sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari matapos niyang halikan ang lalakeng hindi niya naman kilala.
Napansin ng dalaga ang biglang pananahimik ni Sieviana at napakagat ito ng labi dahil sa hiya. “Sorry po. Ang daldal ko po kasi masyado,” nahihiya nitong tugon sa takot na bala siya ay pagalitan at isumbong ni Sieviana.
Napatawa ng mahina si Sieviana dahil sa napakababaw na dahilan kung isusumbong niya dahil sa kadaldalan. “Don’t worry, I’m not that kind of person. I like your vibe.”
Naging maaliwalas naman ang buong pagmumukha ng dalaga nang marining niya ang tila’y papuri nitong sabi sa kaniya. Hindi lang siya humahanga kay Sieviana dahil sa kagandahan nitong taglay kundi pati rin sa kabaitan nito.
“Nandito na po tayo,” agad niyang sabi nang matanaw niya ang isang puwesto na walang katao-tao kundi tanging bakanteng table at upuan lamang.
Napangiti si Sieviana dahil tumugma ang kaniyang sinabi sa lugar na pinagdalhan ng dalaga. Walang katao-tao rito bukod sa kanila at sa iilang trabahante na nasa gilid lamang na naghihintay na may pagsilbihan. Subalit, hindi ito nagbigay ng pangamba sa kaniya dahil masyadong maaliwalas sa puwestong pinagdalhan sa kaniya. Iginaya siya ng dalaga sa isang puwesto kung saan tanaw na tanaw niya ang malaking karagatan at mga sumasayaw na puno gawa ng malakas na hangin.
“Thank you,” pagpapasalamat niya rito.
“It’s my pleasure po. Patunugin mo lang po itong bill pag nakapili na po kayo,” magalang na wika ng dalaga.
Tumango si Sieviana at agad namang naglakad ang dalaga paalis. Sieviana took a deep breath at hinayaan na maramdaman ng kaniyang sarili ang hanging nanggagaling sa malawak na karagatan. Napangiti siya sa kaniyang isipan dahil ngayon lamang ulit siya nakaramdaman ng pagkakaroon ng maganda na pakiramdam.
‘Being here is not a mistake.’
Um-order na siya dahil kumakalam na ang kaniyang sikmura. Mabuti na lang at mabilis lang ang cooking time nag in-order niya kaya nakakain siya kaagad. Nasa kalagtinaan siya ng pagkain habang tinatanaw ang malawak na karagatan, biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone kung kaya’t nabaling ang kaniyang atensiyon dito. Tumambad kaagad kung sino ang caller at nag-alinlangan pa si Sieviana na sagutin ito. Subalit, walang tigil ito sa pag-ring kaya ibinaba nito ang hawak niyang kubyertos upang sagutin ang tawag.
“Yes, Inang?” aniya sa isang mahinanong boses habang nakadikit ang cellphone sa kaniyang taenga.
Hindi naman ito naging mahirap sa kaniya upang hindi magpatuloy sa pagkain lalo na’t hindi pa siya tapos at nagugutom pa ito.
[“Nasaan ka ba, Sieviana? Alam mo bang halos mabaliw na kami sa kakahanap kung saang lupalop ka pumunta? I know that the Chairman grant you a leave but it doesn’t mean that you have to leave me out of your plans! Baka may kung anong mangyari sa iyo!”] may bahid na pag-aalala sa boses ni Lanie nang sumbatan niya ang alaga.
Alam niya na may mabigat na pasanin si Sieviana sa mga oras na ito at hindi siya mapakali dahil sa padalos-dalos na desisyon ng alaga na hindi man lang siya sinabihan sa bawat plano nito.
“Inang, don’t worry. I’m fine. I’m sorry if I didn’t inform you about my plans,” kalmadong wika ni Sieviana sabay higop sa juice niya.
Napabuntong hininga naman sa kabilang linya si Linya at naging kalmado, [“Where are you right now? Do you want me to come?”]
“No. I’m perfectly fine here, Inang. I’m currently taking my vacation here in Isla Majaba,” she responded.
[“Isla Majaba? It does ring a bell on my ears,”] aniya nito at napakunot ng noo sabay upo sa sofa.
“Isn’t it? It’s a famous island. It once recruited me to become their model but we turned it down right? Conflict in my schedules,” wika ni Sieviana at sinubo nito ang isang nuggets sa kaniyang bibig.
[“Ohhh…I remember! Okay. Just don’t do anything stupid. Call me immediately if something happens.]
“I will, Inang,” aniya sa isang seryosong tono ng pananalita.
[“Michael may contact you this time. I think someone tipped him about your situation and sudden disappearance,”] pahabol na wika nito sa alaga.
Nag-iba naman ang ekspresyon ng pagmumukha ni Sieviana dahil sa sinabi ng kaniyang manager. Si Michael ay isang celebrity journalist na laging nakabuntot kay Sieviana upang alamin ang nangyayari sa buhay nito mapa-personal man o hindi. Bukod sa ibang journalists na palaging kinukulit ang modelo ay hindi maatim ni Sieviana ang halos pagiging stalker na ni Michael kung kaya’t hangga’t maaari ay iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang landas.
“I gotta go. I’m still eating, Inang,” aniya at pinatay na ang tawag matapos marinig ang paalam nito.
Ipinagpatuloy niya na ang kaniyang pagkain dahil baka mabusog siya ng wala sa oras. Pero habang kumakain siya ay sumasagi sa kaniyang isipan ang pangalan ni Michael. Ayaw niyang maungkat pa sa publiko ang tungkol sa personal niyang buhay dahil lalo lamang gugulo ang sitwasyon at mahihirapan siyang mamuhay na walang inaalala.
NANG matapos kumain si Sieviana ay naisipan niyang libutin ang isla. Wala rin naman siyang ibang gagawin habang nandito siya. Ang una niyang pinuntahan ay kung saan naroon ang maraming tents na may samu’t-saring paninda.
Habang tinitignan niya ang mga pamilihan na may panindang shells na ginawang porselas at kuwentas—napapatalon sa tuwa ang kaniyang puso. Labis siyang namangha sa talento ng mga taong nakatira dito dahil sa kahusayang taglay nila upang makagawa ng mga ganitong klaseng palamuti.
Hinayaan niyang madikitan ng buhangin ang kaniyang mga paa habang naglalakad sa malawak na paligid, kung saan may nakatanim na puno sa gilid na naging dahilan upang hindi mainitan ang mga taong namamahinga rito. Nabighani siya sa kagandahang taglay ng paligid dito, lalo na sa landscaping na siyang masasabi mo na lubos itong pinaghandaan upang mas lalong pagandahin ang isla.
Hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa medyo may kalayuan na sa maraming tao. Nang mapadpad siya rito ay lalong gumaan ang kaniyang pakiramdam na hindi niya magawang maipaliwanag.
‘It feels pure. The sea breeze collides with the sun. I can literally spend my whole life here.’
Nakakita siya ng isang niyog na troso at naisipan niyang umupo rito. Hindi mainit sa bandang inipuan niya dahil napapaligiran ito ng puno na nagsilbing silungan niya. Iginala niya ang kaniyang paningin sa may bandang gilid kung saan nagkumpulan ang ilang taong sa tyansa niya’y mga mangingisda. Subalit, may isang taong nakakuha ng kaniyang atensyon na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga ito. Bahagya itong nakatalikod sa kaniya kung kaya’t hindi niya nakita ang pagmumukha nito pero masasabi niyang masaya ang pag-uusap ng mga ito dahil sa mga ngiting nakikita niya.