MAHIMBING na natutulog si Aidan sa kaniyang kuwarto habang balot na balot ang kaniyang katawan ng comforter dahil sa nababalot na ng lamig ang buong silid niya. Madilim ang bawat sulok ng silid nito dahil sa makapal na kurtina na nakasabit sa may bintana, kung kaya't kahit na sino ay hindi mamamalayan kung sumikat na ba ang araw o hindi pa. Nagising ang kaniyang diwa nang biglang tumunog ang telepono niya na nasa side table. Agad namang naging alerto si Aidan at sinagot ito habang nakapikit ang kaniyang mga mata. He groaned. "Hello," he said in a husky voice while his eyes are shut. "Good morning!" Bahagya niyang inalayo sa kaniyang taenga ang telepono dahil sa lakas ng boses na kaniyang narinig na nanggaling sa kabilang linya. "Wake up! I'm in front of your door," pagpapatuloy ni

