Chapter 7

1853 Words
Matapos ang mahigit isang oras niyang pagda-drama ay nakaramdam siya ng pagkabagot. Gusto niya pang manatili sa kaniyang kinauupuan subalit unti-unti nang sinisilip ng sinag ng araw ang kaniyang puwesto kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo na lamang. Pinagpagan niya ang sarili gamit ang kaniyang palad at inayos ang suot nitong short na may kaiksihan. Habang mas lalong lumilitaw naman ang pagiging mistisa nito gawa ng liwanag na nanggagaling sa araw. Unti-unti na rin na nanglalagkit ang kaniyang pakiramdam dahil sa namumuong pawis sa kaniyang noo kaya minabuti niyang lisanin na ito. Tumingin muna ito sa buong paligid sa huling sandali at napagtanto niya na siya na lang pala ang tao rito at wala na iyong ilang mangingisda na nakita niyang nag-uusap kanina. Dumako naman ang kaniyang paningin sa isang daan na nasa may sulok. Hindi niya mawari kung ano ang mayroon doon dahil natatakpan ito ng malaking puno ng mangga. Marahil ay iyon ang daang tinahak ng mga mangingisda kaina upang sila’y makauwi. Ibinalik niya na lang ang paningin sa harapan nang inihakbang niya ang kaniyang paa paalis. Habang naglalakad siya, hindi naman mapakali ang kaniyang mata gawa ng walang tigil nitong pagtingin-tingin sa paligid. Kahit na nadaanan at nakita niya na ito kanina, hindi pa rin maiwasan ni Sieviana na mamangha muli sa tuwing nakikita niya kung gaano kaganda ang buong isla. Ang kanina'y mabigat na kaniyang naramdaman ay agad na naglaho gawa ng napakagandang tanawin na nakikita niya. Kung puwede lang sana ay gusto niyang dito na lamang manatili at huwag nang lisanin ang lugar na ito pero alam niya na ang kagustuhan niyang iyon malayo sa reyalidad ng buhay na kinagisnan niya kung saan kailangan niyang magtrabaho para sa sarili. Natigil ang pagpapantasya ni Sieviana nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Tumigil muna siya saglit sa paglalakad at upang kunin ang telepono nito sa ilalalim ng kaniyang bulsa. Tanging numero lamang ang lumabas sa kaniyang screen kung kaya’t bahagyang napakunot ng kaniyang noo si Sieviana gawa ng labis na pagtataka. Inilagay niya ang kaniyang hinlalaki sa screen upang ito'y sana sagutin, subalit bigla niyang naalala ang sinabi ng kaniyang Inang. Kung kaya't hinayaan niya na lang ito at hindi na pinansin pa. "I don't want to ruin my mood. Not this time," she murmured. Ibinalik niya sa loob ng kaniyang bulsa ang cellphone at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa hindi kalayuan naman ay mayroong mga batang masayang naghahabulan sa gitna ng malaking puno. Sa tantya niya ay taga rito lamang ang mga ito. Napapangiti naman siya habang pinagmamasdan ang mga bata hanggang sa tuluyan niya na itong nalagpasan. Malapit na siya sa daanan papuntang cabin niya kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tinahak na ito. Kahit na tanghali na siya nagising, nararamdaman niya pa rin ang bigat ng kaniyang katawan na tila'y kulang pa siya sa tulog. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad, nang ngayon niya lamang napansin na ang daanan pala papunta sa cabin niya ay may nakalagay na pebbles sa bawat gilid, habang bricks tiles naman ang nasa gitna na siyang nagsisilbing pathway. Habang siya'y naglalakad, tila sumasabay naman sa pagsayaw ang kaniyang buhok gawa ng malakas na hangin. Hindi niya iyon inalintana at napangiti pa ito dahil sa sariwang hangin na nalalanghap niya. SA kabilang dako naman ay abala si Lauthner sa pag-aasikaso sa kaniyang bisita. Kakatapos lamang nila magmeryenda at kinailangan na nitong umalis. Kung kaya’t dumiretso na sila kaagad sa rooftop. Ang mga ito ay kaniyang kasosyo sa larangang ng negosyo na siyang nagbabalak pa lamang na magtayo ng dagdag pang-kasiyahan sa mga turista na pumupunta rito sa isla. Kasalukuyan silang nasa rooftop kung saan mayroong chopper na naghihintay. Mas lalong lumakas naman ang ihip ng hangin sa paligid dahil dito kung kaya't napahawak sa kaniyang sumbrero ang isa sa business partner ni Lauthner. Habang nanatiling nakasuot naman ng shades si Lauthner bilang protekta sa kaniyang mga mata dahil sa labis na init na tumatama sa kanilang kinatatayuan. "Mr. Diezo, I hope we can have a great relationship towards our business!" may kalakasan na wika ng isa kay Lauthner upang marinig siya nito. He extended his hand to him. Agad namang inabot ni Lauthner ang kaniyang kamay upang makipag-kamay dito. Sinuklian niya naman ito ng isang ngiti bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "Don't worry, Mr. Salas! Everything is set!" wika ni Lauthner. Sa kabila ng malakas na tunog ng chopper ay nagawa pa rin ni Lauthner na marinig ang huling sinabi ng kaniyang kliyente. "I'll wait for you updates, Mr. Diezo!" wika nito bago ito tuluyang pumasok sa loob ng chopper. Hindi na unimik pa si Lauthner at pinagmasdan na lang ang matanda na pumasok sa loob. Nang makapasok na ito ng tuluyan, muli naman itong tumingin kay Lauthner na may ngiti sa labi hanggang sa unti-unti nang tumaas ang chopper upang makaalis na sa isla. Hinintay muna ni Lauthner na tuluyan nang makalayo ang chopper bago niya napagdesisyonan na bumaba na patungong ground floor. Tinahak niya ang daan papuntang hagdanan dahil tiyak na matatagalan lamang siya kung sa elevator siya sasakay—at nagsimula na siyang bumaba sabay napatingin sa kaniyang relo. "4 o'clock," sambit niya habang pababa ng hagdan na tila’y mayroong hinahabol na oras. He has nothing to do after this kung kaya't nasasabik na siyang pumunta ng dagat upang makapagsurfing. Pero bago iyon ay bumalik muna siya sa kaniyang cabin kung saan kanina pa naghihintay ng tawag ang kaniyang anak. Kahit na masyado siyang abala sa kaniyang trabaho rito sa isla, hindi niya hinahayaan na mahadlangan nito ang oras na ilalaan niya para sa kaniyang anak. Nang makarating na siya sa kaniyang cabin ay agad siyang pumasok sa loob ng silid niya. Halos patakbo niya kung tinungo ang kaniyang table at pabagsak na umupo sa swivel chair. Binuksan niya kaagad ang kaniyang laptop at agad na tinawagan ang anak gamit facetime. Ang kanina'y nasasabik niyang pagmumukha ay biglang napalitan ng kasiyahan nang marinig nito ang boses ng anak na siyang sabik na sabik nang makita na siya nito. “Hi, Daddy!” bungad ng anak nito sa isang masiglang tono habang nakangiti ng malawak. They are having a video call kung kaya't kitang-kita ni Lauthner ang itsura ng anak at kung ano ang pinaggagawa nito habang sila'y magkausap. “How are you? Are you feeling lonely there?” malambing na tanong ni Lauthner kay Rauthnia. Umiling naman ito sabay bungisngis, "No, Daddy. In fact, I am having fun po kasi they are taking good care of me here. Are you going home soon, Daddy?" Napangiti naman si Lauthner dahil sa sinabi ng anak. "Not yet, Baby. Daddy has some things to do here." Bahagyang lumungkot naman ang pagmumukha ni Rauthnia at dahil dito ay nag-aalala si Lauthner. Ayaw niyang nalulungkot ang anak gayong wala siya sa tabi nito. He's all she've got and with that, he wants to be with her at all times as possible. Pero naglaho naman ang pag-aalalang naramdaman ni Lauthner nang magliwanag muli ang pagmumukha ni Rauthnia. “But we can br togetheragain naman Daddy if you’re done settling things there ‘di ba? Pero kung matatagalan ka po there, I’ll come to you na lang Daddy!” Napatawa naman ng bahagya si Lauthner dahil sa kasiglahan na mayroon si Rauthnia. He's thankful that he has a cheerful and understanding daughter na kung umakto ay nasa tamang edad na. Lauthner chuckled. "Yes, Baby. If your school summer starts and I'm still here, I'll fetch you there so that you can spend your whole vacation here. You want that?" “Yes, Daddy!” tumatango-tangong usal ni Rauthnia sabay kain ng snack niya. "What are you eating?" pagtatanong ni Lauthner habang naglalakbay ang kaniyang mata sa likuran ni Rauthnia upang makita kung binabantayan ba ng maigi ang kaniyang anak. “Oh? This, Daddy?” aniya sabay pakita ng kaniyang hawak. “It’s muffin po!” "Who gave you that, Baby?" malambing pa rin ang tono ng pananalita ni Lauthner habang umiiral ang pagiging protective nito sa anak. “Miss Leila gave it to us po,” nakangiting tugon ni Rauthnia. Nakahinga naman ng maluwang si Lauthner dahil sa sinagot ng anak. Kilala niya kung sino ang tinutukoy nito. Si Leila ay ang teacher ni Rauthnia. Malaki ang tiwala ni Lauthner sa teacher na iyon dahil hindi lang nito binabantayan si Rauthnia kundi pinapahalagahan pa niya ito higit pa sa ipinapakita niyang pagpapahalaga sa ibang bata. "I see," nakangiting wika niya sa anak. “Are you alone, Daddy?” pagtatanong ni Rauthnia sa ama. "Yes, why?" napaayos naman ng upo si Lauthner sa swivel chair at kinuha ang laptop habang nakasandal sa kaniyang upuan. “Aren’t you feeling lonely, Daddy?” nababahalang tanong naman nito sa ama. Napangiti naman ng matamis si Lauthner dahil sa naging tanong ng anak, "Of course, I am! You're not here with me." “Really, Daddy?” tila kumikinang naman ang mga mata ni Rauthnia nang marinig ang sinabi ng ama. "Yes, Baby. Daddy will not feeling lonely if you were here with me. But for now, I will just keep calling you so that we can have our time together," aniya habang nakangiti. “What about my new Mon, Daddy? Have you seen her already?” pag-iiba ni Rauthnia ng usapan. Naguluhan naman ng bahagya si Lauthner dahil sa magaling mag-iba ng usapan ang anak. "What do you mean by that?" nagtataka niyang tanong sa anak. Rauthnia sighed as if she's having a hard time explaining things to her dad. “Never mind, Daddy. I guess, you’re still not interested about it.” Rauthnia crossed her arms as if she's disappointed by her father's reaction. While Lauthner's face was flustered because of his daughter's reaction. "W-wait! What?" hindi magkamayaw niyang wika na may halong pagkamangha. Pinipigilan niya ang sarili niya na matawa dahil sa ipinapakitang reaksyon ni Rauthnia. “Hayy…” rinig niyang usal ni Rauthnia na mas lalong ikinangiti niya dahil sa inaakto nito. Subalit ayaw niyang sirain ang momentum nito kaya pinili niyang magmaang-maangan sa inaasal ng anak. “Daddy, I need to play na,” pagpapaalam nito sa kaniya. Lauthner is still holding his laugh. "Okay, okay he said and nod his head. “Bye, Daddy! Mwah!” wika ni Rauthnia at hindi na hinayaan pa na makapagsalita si Lauthner dahil agad na nito pinatay ang tawag. Habang hindi naman makapaniwala si Lauthner sa inasal ng anak at hindi na napiglan ang sarili na mapahalakhak habang hindi nawawala ang hindi makapaniwalang ekspresyon niya sa kaniyang pagmumukha. "Where did she get that kind of expression?" natatawa niyang usal sa sarili at napahawak ito sa kaniyang ulo. "She's just seven years old!" hindi siya lubos makapaniwala na ganoon na kung makaasta ang anaka. "Maybe she got that from Shilloh? They always spends time with each other?" Wala siyang maisip na dahilan kung bakit biglang nagkagano'n ang anak maliban sa kaniyang pinsan na si Shilloh na siyang palaging kasama ni Rauthnia. Sa tuwing wala siya ay ito palagi ang nakakasama ng anak kung kaya't malakas ang kaniyang kutob na nakuha ni Rauthnia ang pag-uugali na iyon sa pinsan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD