HIME POINT OF VIEW Nandito ako ngayon sa private room kasama ko si Casy at Mark, na ngayon ay naghaharutan. Tssss akala nila na sila lang ang tao dito mga bwesit oh ipapakita pa nila sa akin ang paglalandian nila. Well, kung bakit sila ganyan kasi naman nanliligaw na si Mark kay Casy, nagkaaminan na kasi. Well, hindi ko alam kung kailan umamin ang torpe na si Mark "Pwede ba. Get a room now" Sita ko sa kanila "Hehehehe sorry" Yan na lang ang nasabi nila "So Casy, musta naman ang training nila?" Tanong ko sa kanya "Well, ok lang naman, madali naman matuto si Hannah at Mica. At napahanga ako sa kanila dahil hindi talaga sila sumusuko sa kanilang training" Sagot niya sa akin Napangiti naman ako sa sinabi niya, kahit na si Hime na ang kaharap nila ay hindi pa rin nawawala ang pagiging Saf

