Kabanata 12
“Talaga bang si Malcolm ang nagsagip sa ‘yo noong araw na ‘yon?” tanong ni Luningning habang nag-aayos kami para pumasok sa trabaho.
Hanggang ngayon hindi pa rin talaga siya tapos sa usapan na ‘yon. Kinuwento ko na sa kanilang dalawa ni Nicolaus ang nangyari habang nasa hapag at maging sa sumunod na araw ay muli kong kinuwento sa kanya dahil hindi daw talaga siya makapaniwala.
Maging si Nicolaus ay nagkwento din sa mga nalaman niya nang gabing ‘yon na sa palagay ko ay sinabi sa kanya ni Malcolm. Pero itong babae na ‘to hindi pa talaga ako tinatantanan.
“Oo nga, kahit itanong mo pa kay Nicolaus kapag nagkita kayo ulit. Teka lang? Ano ba ang meron sa inyo ni Nicolaus? Ilang araw ko na ‘tong gustong itanong sa ‘yo pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.” pang iiba ko ng usapan namin dahil paulit ulit na kami dito.
Kita ko kung paano nanlaki ang mata niya sa tanong ko, mukhang hindi niya inaasahan iyon. Ayan, ikaw naman ang mag kwento ng buhay mo ngayon.
“Bakit naman napunta sa amin ni Lau ang usapan?”
“Bakit hindi kayo p’wedeng pag usapan?” tanong ko pabalik sa kanya.
“Kasi privacy?”
Tumaas ang kilay ko sa kanya. Kapag sa kanya privacy, kapag sa akin walang privacy?
Umiling iling siya bago nagsalita. “Nasabi ko naman na nagkakilala kami ni Lau sa underground. Siya iyong nagbid sa akin, pagkatapos no’n ay hindi na nahiwalay sa akin. Lapit kasi nang lapit sa akin.” sabay flip ng kanyang buhok.
Maganda naman talaga si Luningning, iyong mukha niya ay parang palaban na babae. Matatalim kasi iyong mata niya na animo’y sobrang suplada kung makatingin pero normal lang iyon sa kanya. Palagi ko nang naririnig sa underground na tinatawag nila si Luningning na b-itch face. Sikat din si Luningning doon sa underground kahit noong hindi pa siya nasa stage, bago siya napunta doon naging waitress muna siya tuwing may event o ‘di kaya kapag bukas ang underground club.
Pero iyong sinabi niya ay labag iyon sa rules ng underground. Unang unang pinagbabawal doon ang magkagusto sa bidder, isang gabi ka lang sa piling niya at pagkatapos no’n ay kailangan niya ulit magbayad para sa panibagong araw o gabi na magkasama kayo. Gano’n dapat iyon, negosyo kung negosyo.
Maraming pinagbabawal ang underground kapag exclusive woman ka nila, caller naman ang tawag sa akin na kapag gusto ay pwedeng sumabak sa stage basta ang importante ay magbibid sa ‘yo sa gabing ‘yon. At kapag wala naman, olats ka rin wala kang makukuha na pera kahit isang piso. Kaya grabe na lang ang kompetensya ng mga girls doon, dahil may makukuha talaga sila kapag may nag bid sa kanila.
“Bawal ‘yan ha!” ani ko.
Natawa si Luningning sa sinabi ko. “Bawal kung magpapaalam sa kay boss, isa pa hindi naman ako exclusive doon kaya may rights ako na labagin ang rules nila!”
Kagaya ko caller lang din si Lu dahil under din siya kay Auntie. Hindi kami regular at tuwing gipit lang talaga sumasabak at sinusubukan kung merong magbibid sa amin. At mabuti naman sa unang salang ko ay malaki agad ang nakuha, iyon nga lang ay tinakbo ang pera.
Malas talaga ang buhay ko, simula dati pa!
“At kapag sumama ka kay Malcolm, wala din namang masasabi ang mga boss ng underground dahi hindi ka rin exclusive at isa pa walang alam si Malcolm na ikaw iyong na bid niya kaya walang labag sa rules.”
Nanlaki ang mata ko. Wala akong balak sabihin kay Malcolm ang katotohanan na iyon dahil natatakot ako. Noong araw na ‘yon ay hindi maganda ang mood niya at nakakatakot talaga siya. At ayaw kong isipin niya rin na may koneksyon pa ako sa underground, mawalan pa ako ng trabaho dito dahil sa trabaho ko dati.
“Alam ko naman na secret lang ‘yon at wala ring alam si Lau tungkol dito.” dugtong ni Lu.
“Alam ba ni Nicolaus na doon ako nagtratrabaho dati?” tanong ko.
Pinagdikit niya ang kanyang labi bago nagkibit balikat. “Siguro, sabi niya sa akin mukha kang pamilyar sa kanya noong unang kita niyo kaya sa palagay ko ay nakita ka niya sa underground. Pumupunta kasi ‘yon doon kasama minsan ang mga kaibigan niya, maging si Malcolm.”
“May kinuwento ba siya tungkol kay Malcolm? Kung kilala niya ako no’ng gabing ‘yon?”
Umiling siya. “Masyadong masikrito ang dalawa, lalo na si Malcolm. Ayaw ko namang magtanong kay Lau tungkol dito dahil privacy niya rin kung bakit sila nagpupunta doon. Kahit close kaming dalawa wala naman kami pakialamanan ng personal na buhay.”
Hindi na ako nagsalita dahil pumasok na kami sa trabaho. Agad kaming pinatawag at busy kaagad dahil sa isang linggo na event dito hotel. Inayos namin lahat ng mga ballroom dito at nilinis ang lahat dahil ngayong hapon gaganapin iyong opening ng event.
Natapos ko ang aking gawain ay bumalik ako sa staff room, nahiga ako sa sofa dahil wala namang tao. Masakit ang katawan ko at gusto ko sanang magpahinga muna nang bigla biglang bumukas ang pintuan at nagulat ako nang iniluwa si Malcolm doon.
Agad akong napatayo dahil sa presensya niya, bigla din akong kinabahan dahil naabutan niya akong nakahilata sa sofa at baka isipin na hindi ako nagtatrabaho ng tama. Natatakot akong ma sisante dahil malapit na ang sahuran namin. Pera na mukhang magiging bato pa.
“P-Pasensya na p-po, S-Sir. H-Hindi naman ako m-matutu—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang narinig ko siyang tumikhim, napa angat ang tingin ko sa kanya.
“Nandito ka lang pala, Nicolaus was looking for you,” aniya habang nakatingin sa akin.
Si Nicolaus? Impossible, baka si Lu!
“Po? Bakit daw?”
“I don’t know, I just heard. Are you tired?” tanong niya.
Tipid akong tumango dahil totoong pagod talaga ako at medyo mabigat iyong katawan ko na hindi ko maintindihan. Wala akong tamang pahinga simula noong unang araw ko dito, tuwing linggo ay gawaing bahay naman ang inaatupag ko.
“You can rest and I’ll tell Nicolaus you’re tired.”
Hindi ko inaasahan iyon. “Po! H’wag na po, babalik na—”
“No, it’s okay. Madami namang aayos doon. They could finish it without you.”
Aangal pa sana ulit ako ngunit hindi ko na nagawa dahil sa pagtaas niya ng kamay. Tinuro niya ang sofa at nagmatigas pa sana pero dahil may bahid na ng galit ang mukha ay hindi ko na nagawa pa at dahan dahan akong naupo sa sofa hanggang sa tuluyang nahiga ulit.
“Just take a rest first.”
Tumango ako at naging sunod sunuran sa kanya. Tuluyan na siyang lumabas ng staff room at naiwan akong mag isa. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ako doon, nagising na lang ako nang may narinig na kalabog. Dahan dahan akong bumangon at muling nagulat ng makita si Malcolm na nakaupo na parang hari sa kabilang sofa.
Nakasuot siya ng puting botton down shirt with black necktie, white black coat na naka lapag sa kanyang hita na naka de kwatro, itim na slacks, at leather shoes. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa malalim na titig niya. Bigla akong kinabahan at napatayo ng wala sa oras.
“S-Sir? A-Anong ginagawa n-niyo dito?” gulat na tanong ko.
Binaba niya ang kanyang paa bago kinuha ang kanyang coat at tumayo. Hindi ko maiintindihan pero parang hinihila talaga ako ng mga kulay abong mata niya. Humakbang ako papalikod nang hukbang siya papalapit sa akin. Nakakahiya, kakagising ko lang!
“Hmm…” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
“Running away from the event. That place is full of people I’d rather not associate with—pretentious, stained with secrets. I don’t waste my time on filth hiding behind polished masks.” malamig na sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. “Po? Nagsimula na?” bigla akong nataranta.
“Yeah, an hour ago.”
“Sana ginising niyo po ako,” mahinang ani ko, biglang nahiya.
“You looked so tired. I can’t afford to wake up.”
Ngumiti ako at tumango bago nagpaalam sa kanya. May trabaho pa ako at overtime kami ngayon dahil sa event. Pagkalabas ay nakita ko kaagad si Lu malapit sa kusina na may dalang mga basong gamit na galing sa event.
“Lu!” tawag ko at lumapit para tulungan siya.
Concern na tumingin sa akin si Lu bago hinawakan ang aking noo. “Ayos ka lang ba? Dinig ko kay Lau na masama daw ang pakiramdam mo kaya hinayaan ka muna sa staff room na magpahinga.”
Ano?!
Iyon ba ang sinabi ni Malcolm kay Nicolaus kaya natagalan ang tulog sa staff room? P’wede naman akong gisingin at hindi naman ako gano’n kasama ang pakiramdam ko… masakit lang ang katawan ko.
“Okay lang ako. Sumakit lang ‘yong katawan ko kaya…”
“Si Malcolm iyong ang sabi kay Lau at nawala si Malcolm kanina sa kalagitnaan ng pagpapakilala sa kanya sa event. Hindi mahanap hanap ni Lau ang lalaking ‘yon. Magkasama ba kayo?”
Ayaw ko nang magsinungaling pa kay Lu kaya tumango ako bilang tugon.
“Sabi ko na nga ba eh. Hindi na ‘yon bumalik at galit na galit na si Lau sa kanya. Saan ba siya pumunta?”
“Sa staff room, nandito siya noong nagising ako.”
Tumaas ang gilid ng labi ni Lu na para bang may nalaman sa sinabi ko. Gusto ko sanang magtanong tungkol doon ngunit pinabilisan kami ni Mrs. Cruz kaya bumalik siya sa pagtatrabaho. Nag ayos naman ako at nagbihis bago bumalik sa silid kong nasaan ang event.
“Doon ka sa wine server, inalis ko ang naunang tao doon dahil natapunan ang isang guest.” utos sa akin ni Mrs. Cruz sabay turo sa lugar na ‘yon.
Tumango ako at doon pumwesto. Ngumingiti ako sa tuwing may kumuha ng wine at meron pang ibang nagpapadagdag sa wine glass nila. Meron din namang umiikot kaya masyadong maraming nagpaparefill lang sa lugar kung nasaan ako. Habang nagtatrabaho ay namataan ko si Nicolaus, nang makita ako ay lumapit na rin siya.
Cool ang lakad niya papalapit sa akin hanggang sa tuluyang nasa harapan ko na. Binaba niya ang baso wala ng lamang alak at nilagyan ko iyon.
“Are you okay?” dinig kong sambit niya.
Ngumiti ako bago tumango. “Okay na po,”
“Where’s Malcolm?” agaran niyang tanong na para bang alam ko kung saan ang lalaking ‘yon.
Wala pa ba siya dito? Kanina pa akong umalis ng staff room. Nakapagbihis at nakapag ayos na nga ako.
“Wala po ba siya dito?”
“That bastard's nowhere to be found. Last I heard, he said he was going to check on you—and now, he’s completely off the grid. I’ve tried reaching him, but nothing. Where did you last see him?”
Ramdam ko ang galit niya kay Malcolm dahil sa matitigas na bigkas niya sa bawat salitang lumalabas sa kanyang labi. Nilayasan ba naman ang event na ‘to, talagang galit siya.
“Sa staff room pero isang oras na ‘yon… at hindi ko alam kung saan na siya pumunta. Naka…” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil namataan na naming kakapasok lang sa venue at mukhang papalapit din sa amin.
“This motherfucker,” mura niya sa kaibigan bago siya humarap sa akin. “I will call you next time kapag hahanapin ang gagong ‘yan. Mukhang ikaw ang magiging rason kung bakit magpapakita ‘yan sa mga event sa mga susunod na araw.”