Chapter 29 Natapos ang ceremony, gabi na. Katulad ng ginawa namin kanina nagkaroon sila ng pictorial magkakablock or with their friends. Bumaba ako sa bleachers para puntahan si kuya Nathan. Nabalot ko na rin ang regalo niya. I handed it to him with a big smile. "Congratulations!" Bati ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin tiyaka niyaya akong magpicture. Nagpicture din kami kasama sina ate Nathalie at tita. "Buti nalang nakapunta ka, hindi ka ba pagod?" Tanong ni tita sa akin, ngumiti ako tiyaka umiling sa sinabi niya. "Nako, sabi ko na sa mga magulang mo na ayos lang kahit hindi na sila tumulong at magpahinga na para bukas kaso pumunta pa rin pala." "Opo, wala rin naman po silang gagawin sa bahay." Sagot ko. Luminga ako para mahanap si Jonas. Mabuti nalang at may kausap sa telepono

