Chapter 2

1619 Words
Chapter 2 Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Gail bilang pagtawag sa akin. Mabilis akong lumingon kay Jonas para makapagsorry. "Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya!" Kinakabahan na wika ko sakaniya. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil parang naestatwa siya. Sinundan ko ang tingin niya, nakatingin kay Gail na ngayon ay papalapit sa amin. "Hey. I said I'm sorry," ulit na wika ko sakaniya. Mabuti nalang at nakuha ko na ang atensiyon niya. Napangiwi pa siya nang tiningnan niya ang white coat niya. "You should watch your way next time," wika niya niya habang nakangiwi at chinecheck ang coat niya "I can't use it now," napailing pa siya habang sinasabi niya iyon. "I can wash it!" Kinakabahan na suggestion ko sakaniya. Hindi ko alam, kaba dahil nabuhusan ko siya or kaba dahil gusto ko siya pero pwede namang both. "Okay," nagulat ako dahil pumayag siya. Kinuha ko na ang coat niya at nilagay sa paper bag na dala ko. Yung lunch box ko lang naman ang nakalagay doon. "Hey!" Bati ni Gail na nasa tabi ko na ngayon. Ngumiti siya kay Jonas bago tumingin ulit sa akin "What happened?" Nag-aalalang tanong niya. "Ah. Hindi ko kasi napansin. Nabuhos ko yung kape sakaniya," turo ko kay Jonas habang inaayos yung coat niya sa paper bag ko. "Tara na! Malelate na tayo sa duty!" Wika ni Gail tiyaka kinilingkis ang braso niya sa akin. "Ah. Una na kami. Papabigay ko nalang kay kuya yung coat mo. Pasensiya na," pagpapaalam ko kay Jonas. Pero syempre echos lang yung papabigay ko kay kuya. Mas okay na ako yung magbigay! Tumango lamang siya sa akin. Ngumiti sakaniya si Gail tiyaka nagpaalam na. "Kaklase siya ng kuya mo?" Tanong ni Gail habang naglalakad kamu papunta sa university, may isang subject pala kami bago ang duty. "Ah oo," tanging sagot ko. Ewan ko. Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko kung sino ang mga natitipuhan ko. Wala rin namang pake si Gail sa mga lalaki, mas focus niya pa ang pag-aaral keysa sa lalaki. Tiyaka, umaasa na rin siya na may isang lalaking nakalaan sakaniya, chinese tradition. "Hay nako! Hindi na nga kami magkasama ni kuya sa isang university, nacocompare pa siya sa akin sa bahay!" Wika ni Gail habang nagliligpit kami ng mga gamit namin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sa SLU pumasok si Gail. She hates comparison, who would love comparison? Lalo na yung kuya niya ay nakagraduate ng Magna c*m Laude sa pre-med. Magkabatch sila ni kuya at magkablock din. "Nakakainis pa yung isa naming tita na wala raw akong panama kay kuya kahit na mag magna c*m laude ako ngayon! Kasi mas mataas ang SLU keysa sa UB, duh!" Maarteng rant sa akin ni Gail. Naikuwento rin kasi sakin ni Gail na may isang tita siya na hindi kasundo. Masyado raw itong masungit at maldita. Kung pagbabasehan ko sa kuwento niya, magkaugali sila kaya siguro hindi magkasundo. "Wala rin naman kasi sa ranking ng school iyan. And at the end of the day, kapag naging doctor na. Skills ang pinakaimportante," sagot ko sakaniya. Tumango-tango siya dahil sa sinabi ko. "Tama! You're right. You know what, tell that to my aunt na pinaglihi sa sama ng loob," she rolled her eyes. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Dapat nga BS Biology ang pre-med ni Gail kaso nga lang iyon na ang kinuhang kurso ng kuya niya. Kaya nursing na ang kinuha niyang course. Because she hate so much kapag kino-compare siya sa kuya niya. They are really close that's why she hate it when they're comparing them. Nagsimula na ang duty namin na hanggang mamayang hapon kaya tuloy-tuloy lang kaming mag rounds, mag-assist at sumunod sa mga utos ng head nurse. Nang magbreak ay dumeretso ako sa headquarter namin para kumain. Kinuha ko agad ang lunch box ko sa paper box. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang coat ni Jonas. Habang kumakain, tiningnan ko naman kung may notification sa cellphone ko. At meron nga. Kuya Nathan: Hey! Naikuwento ni Jo sa akin na natapunan mo raw ng kape yung coat niya? Kuya Nathan: May kape pang natapon sa polo niya tsk tsk. Bad shot ka riyan, insan. Kuya Nathan: Buti nalang may extra coat akong dala kung hindi papagalitan siya sa prof namin. Buti nalang din hindi napansin pangalan. Me: Hindi ko naman sinasadya na matapunan ko siya. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Alam naman niyang hindi ako nakatingin edi sana umiwas siya diba? Crush niya rin siguro ako kaya nagpapansin siya. Kuya Nathan: Alam mo wala naman sa genes natin pagiging assuming pero ganon ka. Hindi na ako nagreply dahil puro katangahan lang alam niyang sabihin pero kapag kausap niya nililigawan niya akala mo napaka-good boy. Mapagpanggap. Napatingin ako nang bumukas ang pintuan ng headquarter at niluwa nito si Iverson. Isang kaibigan namin ni Gail. Ngumiti ako sakaniya tiyaka siya naupo sa tabi ko. "Hay nakakapagod kapag graduating na!" Agad na wika niya pagkaupong-pagkaupo palang niya. "Ayos lang iyan! Sulit naman kapag nakapagtapos na tayo!" Tiyaka ako ngumiti sakaniya. "Magtatransfer ka ba kapag nag med school na tayo?" Inalok ko siya sa sandwich na kinakain ko pero tinanggihan naman niya ito. "Hindi na siguro, ikaw ba?" Tanong ko bago kumagat sa sandwich na hawak-hawak ko. "SLU," tumango ako. Good choice. "Nice. Third top performing school nationwide!" Wika ko sakaniya. Sinasabihan din ako nina tita na magtransfer ako sa SLU kapag magmemed na ako. Ayos lang naman sakanila. Malapit narin mag graduate si kuya Nathan. Tiyaka, stock holder na rin sila sa isang sikat na hospital sa Manila kaya hindi nila ganon problema ang pera. Kaso nga lang, nahihiya lang talaga ako. "Mas maganda mag med sa SLU," tumango ako sa sinabi ni Iverson, alam ko naman iyon. Iyon kaya ang dream school ko simula nung bata pa ako. Top one university din kasi sa Northern Luzon. Top twelve sa buong Pilipinas. "Yeah," tamad na sagot ko. Siguro ay dahil na rin sa pagod. "Diba nasabi mo na ayos lang naman sa tito mo na nagpapag-aral sayo?" Nasabi ko na rin kasi sakanilang dalawa ni Gail. Tumango ako. "Oo kaso nahihiya talaga ako," "Bakit naman? Ayos lang naman. Tiyaka ang tataas naman ng mga grades mo," pagkumbinsi niya sa akin. Silang dalawa kasi ni Gail ay nagbabalak na lumipat ng school. Pero si Gail, alam ko sa UST niya balak pumasok. Ayaw niya talagang galing sila sa isang university ng kuya niya. "Tingnan natin," nakangiting kong sagot sakaniya. Naguguluhan pa ako ngayon kaya hindi pa ako sure. Nagbasa siya ng mga notes namin dahil malapit na rin ang prelims namin. Third week of September. Kaya nagbasa na rin ako ng mga notes ko. Si Iverson nga yata ang pinakamatalino sa aming tatlo o pati sa buong block namin. Natapos din agad ang duty namin. Iverson offered me a ride kaya kasabay ko na siya. Samantalang si Gail sinundo ng driver nila. Pumasok ako sa sasakyan niya tiyaka nilapag ang paper bag sa lapag ng kotse. Nagsuot na rin ako ng seat belt na ginawa din naman niya. Napatingin siya sa paper bag na nasa lapag tiyaka kumunot ang noo niya. "Kanino coat iyan? Kay kuya Nathan?" Napasulyap tuloy ako sa paper bag. Kita pa iyong mantsa ng kape. "Ah hindi," pinaandar na niya ang sasakyan bago nagtanong ulit. "Kanino? Logo ng SLU," habang tumutingin sa side mirror dahil paalis na siya sa parking. "Sa kaibigan niya. Natapunan ko kasi siya ng kape kanina," napangiwi ako ng maalala ko kung paano natapon kanina kay Jonas iyon. Tama nga si kuya bad shot nanaman ako. Natawa si Iverson sa sinabi ko. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo e," umiiling na wika niya sa akin. Napanguso ako dahil don. Nag-usap lang kami ni Iverson tungkol sa isang subject namin. Nagpatulong pa nga ako kung saan ako nahihirapan. Hanggang nasa tapat na pala ako ng bahay namin kaya nagpaalam na ako sakaniya. Mabilis akong nagbihis tiyaka pumunta sa likuran ng bahay namin para labhan ang coat ni Jonas. Mabuti nalang at may washing machine kami, napanalunan ni Papa sa pa-raffle nung year end party nila last year. "Oh? Gabi na maglalaba ka?" Gulat na tanong ni mama sa akin. Nasa kusina kasi siya, dala ko ang ibang lalabhan ko. Dadaanan kasi ang kusina bago sa laundry area namin. "Opo ma," tinaasan ako ng kilay ni mama sa pagtataka. Napatingin din siya sa hawak ko na coat sa kaliwang kamay ko, sa kanang kamay ko naman ay ang mga laundry. "Kanino iyan? Kay kuya Nathan mo?" Tinaas ko yung coat para ipakita kung iyon ba ang tinutukoy niya tapos at tumango siya. Oo nga pala kita yung logo ng SLU. "Ah hindi ma, sa kaibigan niya natapunan ko ng kape kanina," ulit na pagpapaliwanag ko. "Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya naman baka wala siyang ginamit kanina?" Nag-aalalang wika ni mama. "Pinahiram siya ni kuya Nathan. Nag volunteer ako, na ako na ang maglaba," paliwanag ko tapos ay tinuro ang laundy area para ipahiwatig na maglalaba na ako. Pagkatapos kong maglaba at nag dryer narin ako. Hindi naman matutuyo dahil walang araw. Kahit na maaga ko pang nilabhan ito, fifty-fifty pa ang chance na umaraw dahil september na. Hindi gaanong tirik ang araw. Habang hinihintay ko ang dryer ay nagcellphone muna ako. Naisipan kong i-dm sa twitter si Jonas dahil iyon lang ang alam kong way ng communication namin. Hindi ko siya friend sa f*******:. Mabuti nalang open for dm ang twitter niya. @daisheen: Hi! Uhm. Sorry pala kanina. Already wash your coat. :) @jonastan: potassium What?! Ah K. Tsk. Ang dry naman niya kausap. @daisheen: papadala ko nalang kay kuya hehe. @jonastan: can we meet? @daisheen: huh? @jonastan: sm. j.co. 5pm
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD